CHAPTER 7

503 15 13
                                    

CHAPTER 7

ANG PAGKAKASAMPAL niya sa 'kin ay parang kinuha yung kaluluwa ko sa sobrang lakas. Nakaramdam ako ng hilo at na out of balance.

Hindi ako bumagsak sa sahig dahil may dalawang brasong sumalo sa akin. Agad akong tumayo ng tuwid at hinarap ang lalakeng nanampal sa 'kin.

"Ano bang—"

Hindi ko naituloy ang sinabi ko ng biglang nag-salita si Dominic.

"What the fuck, Why did you slap her? Are you gay?"

Dinuro siya ng lalake habang ang katabi nitong babae ay umiiyak. Kumunot ang noo ko dahil doon. Hindi ko maintindihan kung bakit ako sinampal nitong lalakeng 'to.

"Manahimik ka! Girlfriend mo ba 'to?" nanggigil na dinuro ako ng lalake.

Hindi sumagot si Dominic.

"Hindi mo ba alam na puta 'tong girlfriend mo? Binayaran siya nang asawa ng kapatid ko para mag bigay ng aliw!" muling umiyak ang babaeng nasa likod nito.

Nanatili akong tahimik sa isang tabi. Napalunok ako dahil doon. Grabe ang pag-iyak nung babae.

"Nasira ang relasyon nila dahil sa 'yong putangina ka!" napaatras ako dahil akmang susugurin niya ako ng pigilan siya ng kapatid nito.

"Kuya!"

Kinuha ko ang wallet ko sa bag at kinuha ang sampung libo.

"Ibabalik ko na lang ang pera na binigay niya. Hindi ko na matandaan kung sino ang—"

"Syempre puta ka! Malandi! Pokpok! Bayaran—"

"Watch your words motherfucker," kinwelyohan ni Dominic ang lalake.

Nakagagawa na kami ng eksena rito. Ano ba namang buhay 'to! Seryoso ang mukha ni Dominic habang nakatingin sa kaharap namin.

Humalakhak ang lalake. "Ano? Hindi mo nagugustuhan ang sinasabi ko sa girlfriend mo?"

"Excuse me, hindi ko siya boyfriend," singit ko.

Nilapitan ko sila at tinignan si Dominic. "Alis."

Automatic itong inalis ang pagkakahawak sa kwelyo ng lalake. Napabugtong hininga ako, hindi naman ito first time na nangyari.

"Ibabalik ko na lang ito—"

"Bakit!? Mababalik mo ba ang relasyon nila kapag binalik mo 'yang sampung libo sa'min? Hindi! Sa 'yo na lang 'yang puta ka!"

Sa isang iglap nakahandusay na ang lalake at sapo sapo ang kanyang mukha. Si Domimic, sinapak niya ang lalake.

"You're so noisy! Fuck you!" Dominic snapped.

Sakto no'n ang pagpunta ng mga security guard ng PCA. Hinawakan ni Dominic ang kamay ko hinila papalayo ro'n. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa kamay ko na hawak-hawak niya.

Hinayaan ko na lang kung saan niya ako dalhin.

"ANO BA may kamay ako," inagaw ko sa kanya ang cotton balls na may betadine.

Nag-kasugat ako nung sinampal ako nung lalake, ang lakas nga. Mas gusto ko pang mag-pasabunot sa limang babae.

Huminga siya ng malalim at sumandal sa upuan. Nandito na kami ngayon sa starbucks na malapit lang sa PCA.

"Palagi bang mag nangyayaring gano'n?" biglang tanong nito sa 'kin.

Tumango ako at sumimsim sa kape. "Oo."

Napailing na lang siya at humalukipkip. Napatingin ako sa kanya, seryoso ang mukha niya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi at biglang umangat 'yon dahil nakita niya na nakatingin ako roon. 

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Where stories live. Discover now