CHAPTER 26

371 12 5
                                    

CHAPTER 26

LUMAPIT ako sa mini calendar ko habang nagpupunas sa basa kong buhok. Kalalabas ko lang sa CR dahil naligo ako. Pabagsak akong naupo sa kama at natulala saglit sa kawalan.

Hindi ko rin alam kung paano nila ako napakalma kahapon dahil sa pag-iyak ko. Naghahallucination ako kahapon. . . Nakikita ko si Aksana kahit alam kong wala na siya. Umalis lang sila hanggang sa tumahan ako kakaiyak at kumalma.

Nag-order pa sila ng mga pagkain na paborito ko at sabay naming kinain dito sa kwarto ko. Gumaan naman ang pakiramdam ko kahit papaano dahil sa ginawa nila.

Nabalik lang ako sa 'king katauhan ng may kumatok sa pintuan.

"Teka magbibihis muna ako," tugon ko.

Nagsout lang ako ng denim shorts at cotton v-neck lavander shirt. Binuksan ko kaagad ang pintuan at bumungad sa 'kin si Stefano. Nakapangbahay lang siya at may dalang cellphone sa kanang kamay nito.

"Tanghali ka na naman nagising," wika niya at napatingin sa kabuuhan ko. "Aalis ka?" Tanong nito.

Tumango ako at kinuha ang cellphone ko sa bedside table. Pagkatapos ay ang wallet ko.

"Hindi ko pa pala nabayaran 'yung bulaklak kay Cattalina. Pupunta muna ako sa shop n'ya," tugon ko.

Tumango tango siya. "Gusto mo ihatid na lang kita?"

Umiling ako at naunang mag-lakad pababa. Alam kong sinundan niya ako hanggang sa makarating sa gate.

"Pasabi na lang kay Papa na umalis ako. Hindi rin naman ako mag-tatagal doon kasi magbabayad lang ako," wika ko at nilingon siya.

Napabugtong hininga siya at tumango sa sinabi ko. "Okay kana ba?"

Tipid akong ngumiti sa kanya at tinalikuran. "Alam mo naman 'yung sagot ko d'yan," tugon ko. "Sige na aalis na'ko," pag-papaalam ko.

Pumara kaagad ako ng taxi at sinabi ang address ng flower shop ni Cattalina. Alam kong alam nila na hindi pa ako okay dahil sa nangyari kaya hindi ko na 'yon sasabihin sa kanila. Nag-momove on naman ako pero hindi 'yon sobrang dali.

Panay ako sulyap ng sulyap sa cellphone ko at nagkakalikot ng kung ano ano. Hanggang sa napunta ako sa album kung saan nandoon ang mga picture namin ni Dominic kasama si Aksana.

Napagpasyahan ko na i-delete ang mga pictures naming dalawa ni Dominic. Meron pa kasama si Aksana.

Natulala ako sa litrato ng ilang segundo at napagdesisyon na i-delete na lang 'yon. Nang makarating ako sa flower shop ni Cattalina kumunot ang noo ko ng makitang sarado 'yon.

Binuksan ko ang cellphone ko at tinawagan ang number niya.

"Hello?"

"Catt? Nandito ako ngayon sa labas ng flower shop mo. Magbabayad sana ako para sa bulaklak, sorry ngayon ko lang naalala," tugon ko at sumilong sa lilim.

"It's fine! Ano ka ba. May sakit kasi yung panganay ko ayaw akong paalisin, work from home tuloy ako ngayon hanggang sa gumaling siya—mommy my head it's hurt—okay baby mommy will massage your head, i'm talking to your Tita Daisy..."

"Pupuntahan na lang kita d'yan. Hindi ko rin kasi alam kung kailan ako makakalabas ulit..."

"Okay! Naalala mo pa ba papunta rito? Huling punta mo rito nung nagpaalam ka sa 'kin na aalis kana."

"Hmm, naalala ko pa. Sige na aalis na ako, bye."

"Bye! Ingat sa byahe. Pasok ka na lang sa bahay, welcome na welcome ka rito," tugon ni Cattalina.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Where stories live. Discover now