CHAPTER 32

363 9 2
                                    

CHAPTER 32

TAHIMIK lang ako nakamasid kay Stefano na ngayon ay abala sa trabaho nito. Mas pinili niyang mag-work from home para mabantayan ako ng mabuti. Kanina ay kakatapos niya lang sa board meeting nito na sa Zoom ginanap.

Mas importante pa raw ako kaysa trabaho nito kaya pinili niya na rito muna sa bahay. Napailing na lang ako at bumangon. Inabot ko ang tubig at ininuman 'yon.

Nakita kong lumingon siya sa 'kin at nilapitan ako.

"Nagugutom ka ba?" tanong nito sa 'kin.

Magulo ang buhok nito at hindi nakaayos ang kanyang necktie na sout. Tumango ako at tipid siyang ningitian.

"Oo," tugon ko. Nilingon ko ang lamesa nito na nakatambak ang maraming papel at folder. "Mukhang marami ka pang gagawin mamaya na lang para sabay na tayo."

Umiling siya at hinaplos ang buhok ko. "Hindi. Kakain na tayo ngayon, okay? Mag-sasaing muna ako."

Tumango ako at hinigpitan ang hawak sa comforter na nakabalot sa 'king buong katawan. Binalik ko ang bottle water sa lamesa at pinagmasdan ko siyang parang natataranta sa pag-gawa ng makakain namin.

"Damihan mo sana mag-saing ng kanin," ani ko.

Tumango ito habang nagtatakal ng bigas. "Okay, boss."

Napailing na lang ako at nahiga sa sofa. Nanatili akong tulala sa kisame. Bumalik na naman ang lagnat ko at mas tumaas pa 'yon kumpara sa dati. Mukhang nabinat ako.

Napalingon ako sa gilid ng suklayin ni Stefano ang buhok ko.

"Bibili na lang ako ng ulam sa restaurant. Filipino food?"

Tumango ako. "Oo. Thank you."

"Okay. Babalik lang din ako."

"Hmm."

Tumalikod ako at umidlip. Sumasakit na naman ang ulo ko. Umabot ng ilang minuto bago ako makatulog. Naramdaman ko pa ang paghalik nito sa ulo ko at umalis na.

Nagising na lang ako ng parang nahihirapan akong huminga. Napabalikwas ako ng bangon ng napuno ng usok ang buong sala.

"Anong meron—"

Ilang beses akong umubo dahil sa usok. Nanggagaling ang malakas na apoy sa kusina. Ngayon ko lang naalala ang sinaing na kanina ni Stefano kanina bago siya umalis! Doon nanggaling ang malakas na apoy.

Halos kapusin na ako ng hininga, makapal ang usok at hindi ko na gaano makita ang dinaraan ko. Isa lang ang nasa isip ko. . . Ang makalabas ng ligtas.

Bago ko pa marating ang pintuan ng bahay bumagsak ang katawan ko sa lapag. Lalong lumakas ang apoy dahil may narinig akong mahinang pagsabog na nagmumula sa kusina.

Hindi ko alam pero tumulo ang aking luha. Napapikit ako at ilang beses ulit naubo. Ito na ba ang paraan para magsama na kami ni Aksana? Mapait akong ngumiti at hinayaan ang sarili sa lapag. Hindi na rin ako makagalaw ng maayos dahil nanghihina na ang katawan ko.

Doon ko na naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko. . . Sanhi na nahihirapan na ako sa paghinga. Hinahabol ko ang sarili kong hininga pero nanaig ang sakit sa 'king dibdib.

"A-aksana. . ." wala sa sarili kong wika.

Nanghihinang umangat ang tingin ko ng biglang may sumipa sa pintuan. Lalake 'yon. . . Mahabang buhok, naka facemask at naka itim na t-shirt. Parang nakita ko na siya.

Bumaba ang tingin nito sa 'kin at natulala ng makita akong nakahandusay sa lapag.

"Fuck!" dinig kong mura nito.

Naramdaman ko na lumutang ang aking katawan at lumabas sa pinanggalingan namin. Hindi ko na nagawang pasalamatan ang taong nagligtas sa 'kin ng mawalan na ako ng malay dahil sa nangyari sa 'kin.



KUNG HINAYAAN na lang sana ako roon sa sala. Mas maganda pa 'yon. Makakasama ko na ang anak ko. Alam kong masaya kami kapag nangyari 'yon.

Saglit akong natulala ng magising ako. Kulay puting kwarto at napakalawak no'n. Napakurap ako saglit ng makitang tinignan ako ni Stefano.

"I'm sorry, Delaihla. I'm sorry," paulit ulit nitong wika sa 'kin.

Ang expresyon nito ay kakaiba. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nito habang sinasabi 'yan sa 'kin. Hindi naman ako makatugon dahil nakaoxygen mask parin ako.

Tinanggal ko 'yon at dahan dahang naupo sa kama.

"Huwag mong hubarin 'yan. You need that," tugon nito at akmang ikakabit sa 'kin pero umiling ako.

"Medyo okay na 'ko—"

Hindi ko natuloy ang sinabi ko ng bigla niya akong niyakap at napakahigpit no'n.

"Sorry, Delaihla. Dapat hindi na lang kita iniwan doon. I'm really scared. Ikaw una kong naalala nung nakita kong nilalamon ng apoy yung tinitirhan natin," wika nito habang nakayakap sa 'kin.

"Y-yung nag-ligtas sa 'kin. . . Sinong nag-ligtas sa 'kin."

Siya na ang kumalas sa pagkakayakap at tinignan ako.

"Hindi na namin nakita. Pagkatapos ka niyang ibigay sa 'kin umalis kaagad siya."

Yumuko ako at kinuyom ang kamay ko sa 'king hita.

"S-sana hindi niya na lang ako pinuntahan doon," mahina kong wika. Umangat ang tingin ko sa kanya. "Sana hinayaan niya na lang ako mamatay doon," naiiyak kong wika habang nakatingin sa 'kin.

Sinapo niya ang mukha ko at umiling ng maraming beses.

"Shush. No, don't say that. I'm here. Nandito kami nila Daddy para sa 'yo."

"Hindi mo alam! 'Yon na lang ang paraan para magkasama kami habangbuhay ni Aksana, Stefano. 'Yon na lang ang paraan. Ano pa bang silbi kong mabuhay kung ang mahal ko na nagiging insipirasyon kong maging masaya at gumising araw araw ay wala na!" umiiyak kong wika.

Nanatili niyang sinapo ang mukha ko at walang tigil sa pagpunas ng aking luha. Hinalikan niya ang noo ko at pinakalma. Isang taon na pero masakit parin sa 'kin.

"Nandito naman kami, Delaihla. Kahit 'yon lang. . . Masaya kami ni Papa na makasama ka ulit. Sobrang saya namin. Ano na lang magiging reaksyon ni Papa kung malaman niya na gusto mo ng mawala? Hindi pa siya nakakabawi sa 'yo sa lahat ng pagkukulang niya bilang tatay mo. Kaya sana kahit 'yon lang maging lakas mo kami at magiging lakas ka namin. Pamilya tayo 'di ba?" pang kakalma nito sa 'kin.

Napuno ng hikbi ang buong silid habang siya ay panay punas sa 'king luhang walang tigil sa pag-tulo. Hindi ko alam pero ngayon ko lang nakitang lumuluha si Stefano. Pinipigilan niya lang 'yon pero may ilang butil na ng luha ang lumandas sa kanyang pisngi.

"H-hindi ko na rin alam gagawin ko, Delaihla. As your eldest brother I must do something to cheer you up. I can't stand to see you like this. Crying every night. . . Your breakdowns," garalgal ang boses nitong wika.

"Let's go home, please," umiiyak kong wika, ilang beses akong umiling sa harapan niya. "Si Papa. . . Gusto ko ng makita si Papa."

Niyakap niya ako at hinaplos ang likod ko. "May ticket na tayo pabalik sa Pilipinas. Bukas na ang alis natin. Konting tiis na lang," pagpapakalma nito sa 'kin.

"Delaihla."

Hilam pa ang luha sa 'king pisngi ng sabay kaming tumingin ni Stefano sa taong pumasok sa silid ko. Muling nanubig ang aking mata at humagulhol ng iyak ng makita si Papa. Kasama pa nito at bodyguards niya.

"Delaihla, anak," wika ni Papa at nilapitan ako. Gumilid si Stefano para roon pumunta si Papa. Niyakap niya ako at kusa akong yumakap sa 'kanya.

"'Pa. . ." umiiyak kong saad. "Umuwi na tayo. . . Ayaw ko na rito," humihikbi kong saad.

Umiyak ako nang umiyak ng para bata sa kanyang balikat. Hindi siya nagreklamo kung mababasa ang sout nitong damit. Sumunod ay yumakap din si Stefano hanggang sa kumalma na ang buo kong katauhan.

Tumango siya ng maraming beses at hinalikan ang noo ko. "Yes. . . Tomorrow we will go back to  Philippines. Stop crying my princess. Daddy's here."

SHANGPU

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED حيث تعيش القصص. اكتشف الآن