CHAPTER 1

2.6K 28 29
                                    

CHAPTER 1

"AKSANA!" malakas kong sigaw habang nag-wawalis sa harap ng bahay.

Ala sais na ng umaga at ilang beses na 'kong sigaw nang sigaw dahil papasok na siya sa school nito.

"Fria, lalabas na nga ako 'di ba!"

Tinabi ko sa gilid ang walis tingting at pinuntahan siya. Nakatayo ito sa bukana ng pintuan at nakabusangot sa akin. Umi-squat ako para magkapantay kami at nilingon si Stephanie na nasa likod ni Aksana. Kaibigan ko ito.

Hinawakan ko ang balabal sa kanyang ulo at tinanggal 'yon. "Ano ba naman 'to. tanggalin natin 'yang balabal na nakapandong sa 'yo. Ang ganda kaya ng buhok mo bakit mo tinatakpan 'yan?"

Humaba ang nguso nito sa 'kin. "Aasarin na naman nila ako, Fria!" maktol nito. "Palibhasa wala ka sa school."

Parang may kung anong kumirot sa aking dibdib dahil sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim bago mag-salita.

"Hindi ba nga ang sabi ko sa 'yo—"

"Huwag silang pansinin at hayaan na lang," pag-putol niya sa aking sinabi, umirap pa ito.

Mahina akong natawa at hinalikan ang kanyang noo. Tuluyan ko ng tinanggal ang nakatakip sakanyang ulo at doon lumantad ang kanyang mahaba, makapal, at kulot na buhok.

"Tignan mo ang ganda kaya ng buhok mo," pag-puri ko sa kanya.

Sumimangot siya at niyakap ng mahigpit ang kanyang doll na si Merida. Ang main character sa 'Brave'. Pareho kasi sila ng kulay ng buhok at kung bibihisan ko si Aksana ng damit na kagaya kay Merida pagkakamalan talaga na siya 'yon.

Lalo pang humaba ang kanyang nguso. "Sinabi mo lang 'yan sa akin kasi magkapareho tayo ng kulay ng buhok."

Inangat ko ang aking tingin at tinanguan si Stephanie. Tumawa siya at pinuntahan si Aksana.

"Tara na, Axe. Malalate kana sa school," wika ni Stephanie.

Dahan-dahang tumango si Aksana at nilingon ako.

"Yakapin mo 'ko, Fria. Para gumaan naman ang pakiramdam ko," pabulong nitong saad.

Lumuhod ako at niyakap siya ng mahigpit. May kinuha akong clip sa bulsa ng short ko at inipit sa kanyang buhok. Hinalikan ko ang noo niya at sinuklay ang kanyang buhok bago bumitaw.

"Bagay sa 'yo ang naibili kong ipit, Axe. Lalo kang gumanda," ani ko sa masayang tono.

Natuwa naman ako at sumilay sa kanyang labi ang ngiti. Grabe buo na naman ang araw ko.

"Salamat! Huwag kang magalala, Fria! Pag-uwi ko may star na ako. Abot hanggang dito," tinuro niya ang kanyang kamay paakyat sa kanyang braso.

Mahina akong natawa at tumango na lang.

"Sige na, Fria. Ihahatid ko na muna 'tong si Axe ng matulungan kita sa paglilinis ng bahay," pag-papaalam ni Stephanie.

"Okay, mag-iingat kayo," nakangiti kong saad.

"Bye, ate!" sigaw ni Axe.

Kumaway ako sa kanya hanggang sa tuluyan ng mawala sila sa aking paningin. Pumasok ako sa loob ng bahay at niligpit ang pinagkainan nila. Si Stephanie ang kasama ko simula ng mapunta ako rito sa kanilang baryo. Walong taon na ang nakakalipas at namimiss ko na rin ang kaibigan ko na si Cattalina.

Hindi ko magawang bisitahin siya dahil kinakain parin ako ng konsensya hanggang ngayon. Gusto kong ibaon sa limot pero binabalik balikan parin ako. Hindi ko alam kung paano ako nahanap ni Dinoques. Ang nanay ko kasi may sakit at kailangan ko ng malaking pera 'tsaka doon sumulpot si Dinoques at sinabi na maooperahan si nanay basta papayag ako sa sasabihin niya.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Where stories live. Discover now