CHAPTER 16

392 12 8
                                    

CHAPTER 16

"SURE KA bang bagay 'to sa 'kin?"

Tumango si Stephanie habang nakatingin sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng masatisfy ako sa pag-agree nito.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong nagtatanong sa kanya kung okay lang ba ang damit na sout ko ngayon pati ang pagmumukha ko rin.

Nakasout ako ngayon ng simpleng Maroon na polo at sa pangibaba ay pencil skirt na itim. Pinaresan ko iyon ng itim na stiletto habang ang buhok ko ay nakatirintas. Hinayaan ko lang mahulog ang ilang hibla ng buhok ko dahil bumagay iyon sa akin.

Ang buhok kong nakatirintas ay pinlastar ko sa pagitan ng aking balikat at leeg.

"Malalate kana, Delaihla. Panay ka tingin nang tingin sa harap ng salamin. Maganda ka okay!" Iritadong wika ni Stephanie na ikinatawa ko.

"Oo na," tugon ko at sinakbit ang bag ko sa aking balikat.

"Aalis na ako, Stephanie. Ikaw na bahala kay Aksana, ah. Alam naman niya yung bawal sa kanya pero bantayan mo parin," habilin ko at hinalikan ang kanyang pisngi.

Ningitian niya ako at tumango. "Oo naman, goodluck sa unang trabaho mo."

"Salamat."

Lumabas kaagad ako ng bahay at pumara ng trycicyle. Pagkatapos naman ay sasakay pa ako ng jeep hanggang sa makapunta ako sa kumapanya na pagtatrabahuan ko.

Nagsimula na akong maghigpit kay Aksana simula noong nasugod siya sa hospital. Naiintindihan naman niya kung bakit ko 'yon ginagawa. Naglalaro siya magdamag sa bakuran kasama ang kanyang pana at palaso.

Minsan naman ay binibisita siya ni Dominic sa bahay para kumustahin si Aksana. One time naabutan niya si Aksana na umiiyak kasi hindi ko siya pinayagan na maglaro sa labas. May araw na tinotopak siya pero hinayaan ko na lang siya. S'yempre bata parin ito at gustong maglaro sa labas.

Kaya si Dominic ang naging kalaro niya no'n. Doon sila sa bakuran nag laro ng bahay bahayan. Gumawa si Dominic ng tent.

Huminga ako ng malalim at tinignan ang building na pagtatarabahuan ko. Sana maging maayos 'to!

Naglakad na ako papunta sa loob at agad namang pinapasok ng guard ng banggitin ko ang pangalan ko.

"Hello ako yung bagong secretary ni Mr. Stefano, saan ko mahahanap—"

"Good day Ms. Hatt. Sa 17th floor ang room ni Mr. Stefano," pag-putol nito sa aking sinabi.

Tumango ako at nagtungo kaagad sa elevator. Pinindot ko ang number 17 button at umandar na ang elevator. Kumunot ang noo ko ng biglang nagring ang phone ko.

"Hello?"

"It's me Dominic. Anong oras out mo, susunduin kita."

Napangiti ako. "9 pm. Hintayin mo na lang ako sa labas ng building alam mo kung saan ako nagtatrabaho 'di ba?"

"Yes, okay. I'll call you later. Bye, I love you."

I smiled. "I love you too, bye."

Sakto no'n ang pagbukas ng elevator. Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa office ng boss ko nang hindi pinapansin ang ibang bulungan.

Kumatok muna ako sa pintuan. Pinihit ko ang door knob ng may nagsabi ng 'pasok' nakangiting sinalubong ko ang dalawang tao na nandoon.

Isang nakaupo sa swivel chair at isa na nakaupo sa single couch. Kumunot ang noo ko ng makita ang kulay ng kanilang buhok at hindi maganda ang kutob ko rito. 

"You must be my secretary am I right?—"

"Papa?"

Hindi natapos ni Mr. Stefano ang kanyang sasabihin ng bigla akong nag salita. A-anong ginagaw ni papa rito?

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Where stories live. Discover now