CHAPTER 31

390 9 7
                                    

CHAPTER 31

"FILIPINA?"

Napatingin ako sa kanya habang kumakain ng Ice Cream. Dahan dahan akong tumango at tipid siyang ningitian. Tumango tango ito sa 'kin.

"I-ikaw? Filipino?" balik kong tanong sa kanya.

Tumango siya at sumandal sa kinauupuan nito. "Oo."

"Ahh."

Iyon na lang ang nasagot ko sa kanya. Inubos ko ang pagkain ko at bumalik ulit sa upuan ko. Napatingin parin ako sa lalake na hanggang ngayon ay nakaupo parin sa pwesto nito.

"Gaano kana pala katagal dito sa Canada?" bigla kong tanong.

Wala namang masama na makipag usap sa kanya. Ngayon nga lang ako nakipag halubilo sa kabayan ko. Tumingin siya sa 'kin.

"Isang taon na yata," tugon nito sa 'kin.

"Parehas lang pala tayo," wika ko.

"Oo," ani nito at mahinang natawa.

Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Delaihla nga pala. Anong pangalan mo?"

"I'm—"

"Delaihla, who's this?"

Napalingon ako sa likod ko ng marinig ang boses ni Stefano. Nakasout parin ito ng business suit at may hawak na cellphone sa kanyang kaliwang kamay.

Napatayo ako at nilapitan si Stefano.

"Nandito kana pala. Sana tinawagan mo 'ko para salubingin na lang kita," ani ko.

"Sasalubungin mo kotse ko? E'di namatay ka no'n," tugon nito.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Hinampas ko siya sa braso.

"Alam mo tarantado ka rin kahit kailan. Malamang para maghintay na lang ako sa gilid ng kalsada para hindi mo na 'ko bababaan! Tanga ka talaga," naiinis kong tugon.

Humalakhak ito at inakbayan ako. Dinala niya ako papunta sa kotse nitong nakapark sa gilid ng kalsada. Abnoy rin 'to minsan baka mamaya maticket-tan siya butas na naman bulsa nito.

"T-teka yung kausap ko—"

"Saan?" kunot noong tanong ni Stefano.

Tinuro ko ang pwesto ko kanina at lumingon kaming dalawa. Wala na roon ang lalakeng kausap ko kanina. Binalingan ko ng tingin si Stefano.

"Wala na siya. Bigla ka kasing sumingit malalaman ko na tuloy pangalan niya," wika ko.

"Dapat hindi kana nakikipagusap kahit kanino," tugon nito at bumaba ang tingin sa 'kin. "Don't talk to stranger," seryoso nitong saad at pinisil pisil ang pisngi ko.

Naiinis na tinanggal ko ang braso nitong nakaakbay sa akin at siniko ang tagiliran nito.

"Ano ako bata?" asik ko rito. Nauna akong maglakad papunta sa kotse nito at pumasok sa shotgun seat. Humalukipkip ako at hinintay siyang paandarin ang kotse papunta sa tinitirhan namin.

"Baka mamaya may gagawin 'yong masama sa 'yo," ani Stefano habang nagmamaneho.

Hinarap ko siya. "Pinoy rin siya," mahina kong tugon.

"Kahit na mahirap magtiwala sa mga tao ngayon," mahinahon nitong wika.

Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at hindi nakasagot sa tugon nito. Biglang sumama ang pakiramdam ko. Ang bigat ng katawan at ulo ko. Hindi ko napigilang maubo. Nagkatinginan kami ni Stefano ng umubo ako. Nasa garahe na pala kami.

"Hey. Okay ka lang," kunot noo nitong tanong.

Mapupungay na matang tinignan ko siya. Bumagsak ang ulo ko at mabuti na lang hindi nahulog ang katawan ko dahil nakasout ako ng seatbelt. Bumigay ang katawan ko at nawalan ng malay.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon