CHAPTER 14

378 10 5
                                    

CHAPTER 14

NAKANGITI ako habang pinagmamasdan silang dalawa na naghaharutan sa tabi ko. Hindi makasali si Aksana sa mga palaro rito dahil sa sakit nito sa puso. Kaya nakikipagdaldalan na lang ito kay Dominic habang nanonood minsan naman ay sa akin din siya dumadaldal.

"Aksana!"

Napatingin kaming tatlo sa dalawang babaeng nakasout ng wig. Kakulay niyon ang buhok ni Aksana. Napangiti ako dahil do'n.

Bumaba si Aksana sa kandungan ni Dominic at nagtungo sa kanyang kaibigan.

"Pinakulayan niyo buhok niyo? Sabi ni Teacher Mae bawal daw 'yon sa bata," wika ni Aksana habang nakahalukipkip.

"Ano ka ba! Wig 'tong sout namin!"

"Tama!"

Lumawak ang ngiti ko ng makita ang kasiyahan sa mata ni Aksana. Kumikininang ang mata nito sa sobrang saya.

"Talaga!? Ginawa niyo 'yan para sa akin?" Nakangiting tanong ni Aksana.

Tumango ang dalawa nitong kaibigan at niyakap si Aksana.

"Syempre naman bestfriends forever tayo 'di ba?"

"Bff!"

Ngumiti si Aksana at niyakap pabalik ang kanyang kaibigan.

"Oo naman. Bff tayo!" Masayang tugon nito at masaya silang umikot habang magkayakap.

Napuno ng tawanan ang pwesto namin. Ang ibang tao ay tumitingin sa kanila pero binalewala lang nila 'yon. Ang sarap bunalik sa pagkabata yung wala kang iisipin na problema. Puro laro lang ang nasa isip at saya.

Napatingin ako kay Dominic ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang ang hinalalaki nito at pinapaikot sa aking palad.

"What?" I asked.

Umiling siya. "Nothing. I can't help but stare at your face. You're so beautiful."

Ngumiti ako. "Thank you."

"Always welcome," kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad.

"Tara ipapakilala ko kayo sa ate ko at sa magiging jowa niya!" Rinig kong wika ni Aksana papalapit sa akin.

"Jowa ano 'yon?"

"Ano ka ba Mia hindi mo alam 'yon?" Tugon ng isa nitong kaibigan.

"Huwag na kayong maingay ipapakilala ko na kayo kay ate ko," maktol ni Akasana.

Napailing na lang ako at hinintay sila na pumunta sa amin. Nanatiling magkahawak ang kamay namin ni Dominic.

"Ate! Bff ko pala," humagikhik ito at mas lalong lumapit sa amin.

"Hello!" Nakangiti kong wika.

"Woah."

"Wow."

"Ate ko 'yan!" Proud na sabi ni Aksana.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Dom sa aking tabi.

"They seemed stunned at the color of your hair," natatawang bulong ni Dominic.

Paano ba naman kasi. Alam kong namamangha sila sa buhok ni aksana dahil pino ang kulot nito at ang kulay ng kanyang buhok. Mas lalo silang namangha dahil sa buhok ko. Doble ang buhaghag ng buhok ko kumpara kay Aksana. May ginagamit din kasi kaming products sa buhok namin kaya mas lalong kita at pino ang kulot ng buhok namin kesa sa maging frizzy 'yon.

Nilingon ko si Dom at tinawanan na lang.

"Hello po ate! Ako po si Yna!" Salita ng batang babae. Ito yung sinabihan niya si Mia na hindi niya raw ba alam ang jowa.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz