CHAPTER 11

430 11 0
                                    

CHAPTER 11

"ISA, dalawa, tatlo, nanay mo kalbo, apat, lima, anim. I-vicks na nga natin."

Napalingon ako kay Aksana ng marinig ang kinakanta nito. Napailing na lang ako at muling tinuon ang pansin sa pag-titipa ng keyboard sa aking laptop. Wala parin akong mahanap ng trabaho, nakakainis.

Kung ano ano na lang ang naririnig nitong batang 'to sa mga kaibigan niya.

"Madilim ang surroundings—"

"Aksana," pagputol ko.

Nilingon niya ako at niligpit ang nag-kalat na paperdoll sa sahig ng sala.

"Bakit, Fria?" mahina nitong sagot at nilapitan ako.

Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang noo nito. Binuhat ko siya at inupo sa aking kandugan.

"Saan mo narinig 'yang kanta na 'yan, ha?" tanong ko.

Humarap siya sa akin at ngumiti. "Sa mga kaibigan ko! Naglalaro kasi kami ng pogs, tapos kinanta nila e'di ginaya ko."

Humagikhik pa ito. Napailing na lang ako at tumingin sa screen ng laptop ko.

"Hindi ka papasok ngayon, Fria?" tanong nito.

Tahimik akong tumango. Kusa siyang bumaba sa aking hita at tinignan ulit ako. Magtatanong na naman ito.

"Bakit, May sakit ka ba?"

Umiling ako. "Wala akong sakit. Naghahanap ako ng bagong trabaho kasi nagsarado na 'yong pinagtatrabahuan ko."

Nakatitig lang siya sa aking mukha mahigit limang segundo.

"Ano?" napakamot siya sa kanyang noo.

Humalakhak ako at pinisil ang kanyang pisngi. Napadaing ito at tumalim ang tingin sa akin.

"Ang sakit!" humaba ang nguso nito.

"Sorry na," natatawa kong sabi.

Inirapan niya ako at hinampas ang hita ko. Napadaing ako sa ginawa nito. Pikon na 'to kapag nanghahampas na siya.

Tumayo ako at tinali ang buhok ko. "Ikaw!"

Nanlaki ang mata nito at kumaripas ng takbo. Narinig ko ang matinis nitong tili habang tumatakbo paikot sa center table sa sala.

"Huwag! Fria!" tili nito.

"Nandiyan na 'ko!" pananakot ko.

"Huwag!" tili nito.

Humalakhak ako ng mahablot ko ang kanyang bewang at binuhat papunta sa bakuran. Nagpupumiglas ito habang tumitili parin.

"Baba! Kikilitiin mo 'ko. Ayaw ko na!"

Tumawa ako at hinawi ang makapal niyang buhok na nakatabing sa kanyang mukha.

"Shh... hindi kita kikilitiin. Dito muna tayo sa bakuran. Ang hangin eh."

Sa wakas ay tumitigil na siya sa kakapiglas. Yung dede ko natatamaan niya ang sakit!

Naupo kami sa duyan at namayani ang katahimikan.

"Fria," pagtawag nito sa akin.

"Bakit?"

Nilingon niya ako. "Gusto ko ng ice cream sa palengke mamaya. Sama mo ako kapag pupunta ka roon."

Napangiti ako at tumango. "Sige, huwag ka lang makulit baka mawala ka."

"Salamat!" masaya niyang sabi at hinalikan ang pisngi ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit at ginalaw ang duyan gamit ng aking paa.

"Love mo ba ako?" tanong ko.

Tumango siya at mahinang kinagat ang aking kamay.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Where stories live. Discover now