CHAPTER 5

569 16 8
                                    

CHAPTER 5

WALANG tigil si Rose sa pag-tusok sa 'king tagiliran. Halatang kinikilig siya ng makita si Dominic na nasa tabi ni Mr. Cancon.

"Oh my god, He is so sizzling hot! I want to fuck him," halos hindi na niya ma-control ang sarili niyang bibig. Hindi ko siya pinansin at nanatiling tahimik sa tabi niya.

Malaya kong tinignan si Dominic. His perfect chiseled face and a well-cut jaw. His body is well-built, halatang nag-ggym. Kasama naman din 'yon sa pag eensayo nila dahil kasama siya sa Gorqyieds Organization. But past is past.

Nakatagilid ito dahil may sinasabi pa sa kanya si Mr. Cancon. Kitang kita ko ang kanyang matangos na ilong, dahil maputi ito bumagay ang kanyang itim at magulo na buhok. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa 'king balat.

Maputi siya pero maputla ako.

His beautiful narrow eyes that easily captured your heart and also his red lips pressed into a thin line. Iniwas ko ang tingin ko ng biglang kumurba sa kanyang labi ang matamis na ngiti.

Narinig ko ang pag-singhap ng ibang kababaihan dahil sa pag-ngiti nito. Ngayon, kitang-kita namin ang ngipin nitong kasing kulay ng puting perlas.

"His teeth is very white! Kung ganyan ang ngipin ko isusuggest ko na nakangiti ako kahit patay na," humagikhik siya at tinititigan ng mabuti kay Dom.

Mahina akong natawa sa sinabi niya at hindi maiwasang hindi tumaas ang sulok ng aking labi. Poor him, nakapasok siya sa kwadra ng mga nagugutom na leon. Alam kong maraming gustong kababaihan na ma-ikama siya.

"Please give a pleasant applause for Mr. Dominic Oix Suarez," binigay ni Mr. Cancon ang mic kay Dom at umatras.

Kinuha nito ang mic at humarap sa amin.

"Good evening ladies and... gentlemen?" Mas maraming babae ang nandito kaysa sa lalake. Meron naman pero kaunti lang, siguro nasa mga sulok-sulok lang 'yon.

"Thank you Mr. Cancon," lumingon siya sa likod at binagyan ng simpleng tango si Mr. Cancon bago humarap sa sa amin. "Because he invited me for this event," salita nito habang palipat lipat ang tingin sa ibang tao.

"I'm his new business partner here in the Poufiasse Club Agency, please be nice to me, happy 10th anniversary PCA," he said in a deep baritone voice.

"Spank me daddy!" sigaw ng isang babae hanggang sa dumami na ang nagsalita. Nakisama roon si Rose.

"Can we fuck him?!" malakas na sigaw ni Rose.

Sumang-ayon ang ibang babae. Nag-kagulo na ang loob ng hall. Natatawang umupo siya sa tabi ko at hindi mapakali.

"I can't wait to fuck him, Delaihla. I think his manhood is huge and thick!" nakatingin siya sa kisame at para bang iniimagine ang sinasabi nito.

Sinakop ng buong hall ang halakhak ni Mr. Cancon. Natahimik ang buong kababaihan, kinuha nito ang mic ni Dom at nagsalita.

"Easy there ladies, Mr. Suarez is not available," natatawang saad ni Mr. Cancon.

Lumawak ang ngiti ni Dom at nakitawa rin ito. Nadismaya ang iba dahil doon pero may nag-pupumilit parin.

"Enjoy the night ladies," nilingon nito si Dom. "And you also Mr. Saurez," tipid itong ngumiti at naglakad papuntang backstage.

Sumunod ito kay Mr. Canco at sakto no'n nagkasalubong ang tingin namin. Tumagal 'yon ng ilang segundo pero hindi ko pinakita na nagulat ako. Nanatiling walang emosyon ang aking mukha.

Ako ang unang umiwas at uminom ng alak sa 'king wine glass. Nilingon ko si Rose na nakasimangot, akala mo ay pinagsukluban ng langit at lupa.

Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya napabugtong hininga ito. "I thought he's available. Imagine, I was staring at him and my body feels hot! I can feel my wetness between my legs!" halos mabaliw siya habang sinasabi 'yon.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Where stories live. Discover now