CHAPTER 22

336 8 2
                                    

CHAPTER 22

NANGHIHINA na idinilat ko ang aking mata. Napakurap ako at napahawak sa aking ulo parang lumulutang ang utak ko. Natulala ako saglit. . . Si Aksana.

Napabangon ako at natigilan ng makitang nasa gilid ng hospital bed si Stephanie nakayukod ito at nakaunan sa kanyang braso habang natutulog.

"Aksana..." naiiyak kong wika.

Dahan-dahan akong umalis sa kama at tinanggal ang swero. Bakit ba 'ko naka ganito? Muli akong naluha at pinunasan 'yon. Kailangan kong makita si Aksana.

Nawalan lang ako ng malay dahil sa panghihina ng katawan ko sa nangyari. Pagod ako, physical at emotional.

Nilingon ko si Stephanie na mahimbing na natutulog. Namamaga ang mata nito dahil sa pag-iyak. Sinuklay ko ang buhok nito.

"Hahanapin ko muna kung nasaan si Aksana," mahina kong wika.

Lumabas kaagad ako sa kwarto at maingat 'yong sinara. Sino ba kasi nagpapasok sa akin dito? Halatang private room pa.

Lakad takbo ang ginawa ko para hanapin ang pinaghigaan ni Aksana. Nasa emergency 'yon. Napaatras ako ng makita si Papa at Stefano. Parehas din sila natigilan ng makita ako agad akong nilapitan ni Stefano at hinawakan ang braso ko.

"Why you didn't tell us?" Nanginginig ang boses nito. Diretso ang tingin nito sa akin at nakikita ko ang galit na emosyon nito. Namumula ang kanyang mata galing sa pag-iyak.

Hindi ko alam at basta na lang akong naluha sa sinabi nito. Nagsimulang manginig ang labi ko at mahinang tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa aking braso. Nilingon ko si Papa na ngayon ay nakatingin sa akin. May hilam na luha sa kanyang pisngi.

"Delaihla! Bakit ka umalis—"

Napalingon ako sa likod ng marinig ang boses ni Stephanie. Natigilan din siya ng makita sila Stefano at Papa.

"Tinawagan ko sila. Sorry kung pinangunahan kita," wika ni Stephanie.

Tipid ko lang siyang ningitian at nilipat ang tingin kay Papa at Stefano.

"Why didn't you tell us that she had a problem in her heart? Kung sinabi mo sa amin 'yon matutulungan ka namin," salita ni Stefano.

Nangilid ang luha ko at yumuko.

"Hindi ko kailangan ng tulong niyo. Kaya ko naman siyang ipagamot gamit ng pera ko—"

"Kahit na! We're family, kung kaya mo pala siyang ipagamot bakit humantong pa siya sa ganito!?" Galit na wika ni Stefano.

Nakakagawa na kami ng atensyon sa ibang tao. Napapatingin ang ibang nurse na dumadaan at mga bisita ng pasyente.

Kinuyom ko ang kamao ko at napahikbi.

"Bakit parang kasalanan ko kung bakit nangyari 'yon kay Aksana! Kayang kaya ko siyang ipagamot ng wala kayo! Nakapag-ipon na ako ng pera para sa kanya! Hindi lang siya p'wedeng operahan kaagad dahil masyado pa siyang bata kaya hinihintay namin na tumuntong siya tamang edad niya! Hindi ko kasalanan! Ginawa ko naman lahat. . . Lahat ng hirap ko para lang gumaling s-siya," umiiyak kong tugon at napaupo sa sahig.

Napatakip ako sa aking mukha at doon humagulhol. Naramdaman ko ang pag-himas ni Stephanie sa aking balikat.

"Delaihla, stand up. Nasa morgue na si Aksana. Ako na lang mag-aasikaso ng libing niya kung okay lang ba sa 'yo?" Mahinang wika ni Papa.

Lumapit siya sa akin at tinulungan akong tumayo. Nanlalambot ang katawan ko dahil sa nangyayari. Umangat ang tingin ko kay Papa at humahagulhol habang umiiyak.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED حيث تعيش القصص. اكتشف الآن