CHAPTER 34

423 14 3
                                    

CHAPTER 34

NAPAKURAP ako ng ilang beses kung namamalikmata lang ako ba ako o hindi. Pero totoo siya. Sinusundan ba ako nito? Siya yung lalake na nakausap ko nung nasa Canada ako.

As usual ang get up nito ay gano'n parin. Naka black facemask at nakatali ang mahaba nitong buhok. Hindi ko naman makita ang buong mukha niya dahil sa facemask niya.

"How are you feeling?" bigla nitong wika.

Kumunot ang noo ko ng marinig ang boses nitong pamilyar sa aking pandinig. Bakit noong nasa Canada ako hindi ganoon ang boses niya. Umusog ako papalayo sa kanya.

"I'm the one who rescue you on that incident, Delaihla," salita ulit nito habang nakatingin sa naglalakihang makukulay na building.

Napaatras ako papalayo sa kanya. Bakit ba kailangan pang mag-krus ang landas namin? Para ba saktan ulit ako? Iniwas ko ang aking paningin ng maramdamang bumilis ang tibok ng aking puso.

"Sana hindi mo na lang ako niligtas, Dominic," mahina kong wika. Sapat na 'yon para marinig niya. Kaming dalawa lang naman nandito kaya alam kong maririnig niya ang sinasabi ko. "Gusto mo pala na masaktan ako bakit mo 'ko niligtas, huh?"

Wala akong narinig na sagot sa kanya. Sa halip ay tinanggal niya ang facemask na sout nito at binalingan ako ng tingin. Nagsalubong ang nga mata namin. Medyo mahaba na ang balbas nito at walang kabuhay buhay ang kanyang mukha. T-shirt na itim at naka jacket na itim ito habang ang pangibaba niya ay sweatpants na gray.

Muli akong napaiwas ng tingin ng makita ang katawan nito. Kumakain pa ba 'to? Napapikit ako ng maisip ko kaagad 'yon. Akala ko ba wala na akong pake sa kanya!?

"Anong nangyari sa 'yo bakit ganyan katawan mo?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang ito at nagindian seat. Muli siyang tumingin sa makukukay na building ngayong gabi.

"Hindi ko pa sahod. Wala akong mabiling pagkain," tipid nitong tugon.

"Nakapunta ka ng Canada tapos pambili ng pagkain wala?" sarkastiko kong wika sa kanya at pagak na tumawa.

Muli niya akong nilingon. "Binigyan lang ako ni Cattalina pamasahe papunta roon."

"Bakit ka ba pumunta roon? Nagwawaldas ka lang ng pera sa walang dahilan," tugon ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot sa halip ay tumingin lang ulit sa magandang tanawin. Yumuko ako at napakuyom. Sa tuwing nakikita ko siya Aksana kaagad pumapasok sa isip ko. Nilabanan ko ang sarili kong hindi lumuha.

"I just want to see if you safe or not," mahina nitong wika na ikinatingin ko sa kanya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Hindi kita maintindihan, Dominic. Ano 'to? Palabas mo na naman ba 'to?" naguguluhan kong tanong.

"Tigilan mo na 'to. Nakaganti kana sa akin 'di ba? Namatay anak natin dahil d'yan sa isip bata mong paghihiganti sa 'kin. Nadamay pa siya dahil sa childish mong desisyon!"

Mabilis kong pinunasan ang aking luha at tumayo. Nahuli niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya kaya nagdikit ang katawan namin.

"Hindi na ako nakatira sa bahay nila Mom at Dad. Kinuha nila lahat ng sa akin, Delaihla. Kotse ko na lang at wallet ang nasa akin," bigla nitong salita habang nakayakap sa akin.

Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at tinignan siya.

"You deserved it, Dominic! Lahat ng nangyayari sa 'yo ngayon karma mo na!" umiiyak kong wika.

Gusto kong magalit sa kanya dahil sa ginawa niya sa anak ko pero hindi ko alam bakit nakikipaglaban ang puso ko sa utak ko. Sunod sunod ang paghikbi ko dahil sa aking emosyon.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Место, где живут истории. Откройте их для себя