CHAPTER 8

535 16 3
                                    

CHAPTER 8

ABALA ako ngayon sa pag-bibilang ng pera. Papalitan ko nang bagong yero ang banyo namin. Saglit lang naman 'yon dahil hindi naman malaki ang banyo namin.

"Fria!"

Napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang boses ni Aksana. Masaya itong tumakbo papunta sa aking pwesto, wala sa sariling napatingin ako sa orasan na nasabit sa pader.

Alas dose ng tanghali na pala, ang bilis ng oras. Nilapag ko ang pera sa lamesa at binuhat siya paupo sa aking hita at pumasok sa loob si Stephanie.

"Hello, may niluto na akong pagkain. Initin mo na lang," salita ko at tinali ang buhok ni Aksana.

Tumango siya at ningitian ako. "Salamat."

Bumalik ang tingin ko kay Aksana ng bigla niya akong kinalabit.

"Bakit?"

Tinuro niya ang limang piso sa ibabaw ng lamesa.

"Pahingi ako," bulong niya sa akin.

Tumawa ako at kinuha ang limang piso. Binigay ko 'yon sa kanya, tumayo siya at akmang lalabas ng pigilan ko ito.

"Mag-bihis ka muna, Axe. Amoy pawis kana," pag-pigil ko sa kanya.

Tumakbo siya pabalik sa akin at hinila ang kamay ko.

"Tara sa kwarto!" pag-mamadali nito sa akin.

Napailing na lang ako at hinayaan na hilaan ako papunta sa kwarto. Nadaanan namin ang kwarto ni Stephanie, nakabihis na pala ito ng pambahay.

"Hihintayin ko na lang kayo, para sabay tayong kumain," ani ni Stephanie at nag-lakad papunta sa hapagkainan.

"Sige!" pahabol ko sa kanya.

Pag-kapasok namin sa kwarto naupo lang ako sa kama at pinagmasdan siyang magbihis ng dress. Marunong na siyang pumili ng sosoutin niya.

Ang laki-laki na niya. Hindi ko maimagine ang magiging hitsura niya kapag nag-dalaga na ito.

"Panget ba Fria? Kung makatingin ka kasi sa akin parang may kakaiba," asik nito sa akin at kinuha ang kanyang pabango.

"Wala... ang laki mo na kasi," mahina kong saad pero sapat na 'yon para marinig niya.

"Alangan naman na bumalik ako sa pag-kabata. Kung hindi lang kita love kakagatin na kita," umirap ito sa akin at pinabanguhan ang kanyang sarili.

Tumaas ang isang kilay ko dahil doon. Tumayo ako at kinuha sa kanya ang pabango. Paano ba naman kasi ginawa niyang downy ang pabango.

"Ginagawa mo ng downy yung pabango," asik ko at pinatong sa vanity table.

Humaba ang nguso at kinuha ang limang piso.

"Baka kasi nandoon si Raven," mahina niyang sambit.

Lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. "Ikaw ah. Crush mo 'yon?"

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at mahinang hinila ang buhok ko. Humalakhak ako ng makitang unti-unting namumula ang kanyang pisngi.

Tinapat niya sa kanyang labi ang hintuturo. "Huwag kang maingay ah. Slight ko lang naman siyang crush, k-kasi ang galing niyang mag pogs."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili na tumawa ng malakas. Napailing na lang ako at hinawakan ang kanyang kamay papunta sa labas.

Binitawan ko ang kamay niya at hinayaan na bumili sa tindahan.

"Ate, Pabili ng paper doll!"

Umangat ang tingin niya sa akin. "P'wede?"

Ningitian ko siya at hinalikan ang noo. "P'wede po, kung anong gusto mo okay lang kay ate."

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon