CHAPTER 27

386 8 2
                                    

CHAPTER 27

NANGANGAPA ako sa dilim. Hindi ko alam kung nasaan ako. Nagsimula akong kabahan ng marinig ko ang hagikhikan ng mga bata. Lumilinga-linga ako at nagbabaka sakaling makita sila pero wala.

Hanggang sa unti unting nagliwanag ang kapaligiran. Doon ay nakita ko ang ibang bata na naglalaro. Napaatras ako ng sabay silang natigilan at tumingin sa akin.

"Nakikita niyo ako?" mahina kong tanong.

Wala akong nakuhang sagot kaya napaatras ulit ako ng humakbang sila papalapit sa akin. Habang papalapit sila nagbabago ang kanilang itsura kaya mas lalo akong natakot.

Napaupo ako sa sahig at umatras ng makitang medyo mabilis na ang lakad nila.

"Mama... why did you kill me?"

"Mommy!"

"Ma'"

"Me too, Mommy. Why did you kill me?"

"Mom..."

Ako naman ngayon ang naestatwa sa mga sinabi nila. Anong mommy? Natulala ako ng mag-sink in sa utak ko ang nangyayari. Tumulo ang luha ko habang tinitignan sila.

"I-i'm sorry..." umiiyak kong wika.

Nawala na ang takot na nararamdaman ko kaya natitignan ko sila ng maayos. Sa tingin ko ay anim silang nasa harapan ko.

"Why did you kill us mommy?" tanong ng isang bata. Lumapit siya sa 'kin at maingat na sinapo ang magkabilaang pisngi ko. Hinaplos niya 'yon.

Wala akong nakikitang galit sa kanyang mata. Napahikbi ako at hinaplos ang maikli nitong buhok.

"I'm s-sorry. Hindi pa a-ako handa maging i-ina noong mga a-araw na 'yon. Kasalanan ko rin 'yon kasi hindi ako nag-iingat sa gingawa ko. P-pasensya na..." humihikbi kong wika sa harapan niya.

Nilingon niya ang kasamahan niya at nagtanguan silang lahat. Pinunasan ko ang luha ko at tinignan sila. Maliliit ang kanilang boses at ang sarap no'n pakinggan.

"Forgiven!" nakangiting wika ng batang lalake.

"Yeah!"

"Me too."

"You can go back to your life mommy! Goodluck!"

"Group hug!"

Hindi na ako nakapagreac ng bigla nila akong dinumog. Sabay kaming natumba sa sahig at naramdaman ko ang malalambot nilang labi sa buong mukha ko. Binibigyan nila ako ng halik. Humahagikhik sila habang ginagawa 'yon.

Hindi ko mapigilang hindi ngumiti sa ginawa nila. Niyakap ko si lang lahat at doon muling bumuhos ang luha ko.

"I love you all. I'm really sorry," umiiyak kong wika.

"I love you too!" Sabay nilang wika.

Pagkatapos ay para isang kisapmata na nawala sila. Nawala ang liwanag at bumaba ang tingin ko ng may humila sa laylayan ng damit ko. Bumaba ang tingin ko roon.

"Fria. Mahal na mahal kita," nakangiting wika ni Aksana.

Niyakap niya ako at basta na lang iniwan. Naglakad siya papalayo hanggang sa lamunin ito ng dilim.

"Aksana!" malakas kong sigaw.

"Hey! Are you okay!?" biglang tanong ni Stefano.

"She's sweating. Can you pass the towel, Dad?"

Dahan dahan akong bumangon at nilibot ang paningin ko. Nasa kwarto ako ngayon kung saan ako palaging natutulog.

"Si Aksana," mahina kong wika.

Umangat ang tingin ko ng pinunasan ni Stefano ang mukha ko. Seryoso ang mukha nito habang nagpupunas.

Bumaba ang tingin ko sa 'king kamay. May swero roon na nakakabit. Ilang araw ba akong nakahiga rito? Sinulyapan ko si Stephanie na nakaupo sa pangisahang sofa, nakatingin siya sa akin at parang malungkot.

Tinignan ko si Papa ng maalala ang nangyari sa loob ng kotse ni Stefano.

"Bakit nga pala ako dinugo?" Tanong ko.

Natahimik silang lahat at tumagal 'yon ng ilang segundo. Napakamot na lang ako sa ulo at sabay kaming napatingin ng pumasok ang isang doctor.

Ngumiti siya ng makita ako at sinarado ang pintuan ng kwarto. Naglakad siya sa akin at naupo sa isang upuan. Gumilid lang sila Papa at Stefano para matignan ako ng doctor.

"Akala ko ay aabot pa ng isang linggo bago ka magising," wika ni Doctor.

Napabugtong hininga na lang ako at kumamot sa braso.

"Pinadala ako rito ng family doctor niyo kasi hindi naman siya ob-gyn. Nakita ko sa history mo na ilang beses ka ng nagpalaglag. Tama ba?"

Natulala ako sa sinabi nito at nilingon silang tatlo bago sumagot.

"O-oo," tugon ko.

Tumango tango ang doctor at may tinignan pa na kung ano ano sa papel na hawak nito.

"Kaya ka dinugo dahil sa stress at pagod. Buntis ka rin sa mga araw na 'yon mabuti na lang at nasugod ka sa ospital dahil maraming dugo na nawala sa 'yo," wika nito.

"H-huh?"

Wala sa sariling napahawak ako sa 'king tyan. Buntis ako?

"But the baby is gone. I'm sorry to say this Ms. Delaihla. Dahil na rin sa ilang beses mong pagpapalaglag nadamage na rin ang bahay bata mo kaya mababa ang chance na magkakaanak ka ulit," ani nito at malungkot na tinignan ako.

Parang nabingi ako sa sinabi nito. Yumuko ako at hinayaan na tumulo ang luha ko. Napakuyom ako sa comforter at pinigilan ang sarili na huwag humikbi.

"Magiiwan lang ako ng reseta para sa gamot na iinumin mo."

Pagkatapos ay nagpaalam na ito at ng makalabas ay doon ako humagulhol. Walang tigil ang iyak ko at sobrang lakas n'on. Agad namang lumapit si Papa at niyakap ako ng mahigpit. Doon ko binuhos lahat ng nararamdaman ko sa bisig ni papa.

"I'm here. Makikinig ako, anak. Makikinig kaming lahat," naiiyak na wika ni papa.

""H-hindi na 'ko m-mag-kakaanak. G-gusto ko pa magkapamilya," humihikbi kong tugon. "Siguro 'eto na 'yung kaparusahan sa mga nagawa k-kong kasalanan. K-karma ko na siguro 't-to."

"Isa 'yon sa mga p-pangarap ko 'pa. Ang magkapamilya," umiiyak kong wika. Wala ring tigil sa pagpunas ng luha ko si Papa at nakikinig lang sa mga sinasabi ko.

Sabay na lumapit sila Stefano at Stephanie pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit. Lalong lumakas ang iyak ko dahil doon. Sobrang sikip ng dibdib ko at sila ang nagpapakalma sa 'kin.

Pati ba ang pagkamatay ni Aksana karma ko na rin ba 'yon?

SHANGPU

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon