CHAPTER 33

399 10 1
                                    

CHAPTER 33

GABI-GABI na lang akong nanaginip tungkol kay Aksana. Sa tuwing napapanaginipan ko siya lagi 'tong masaya na makita ako. S'yempre ako rin bilang nanay niya. Naririnig ko ang kanyang boses at ang hagikhik nito sa tuwing kinikilit ko siya o nilalambing.

Alam kong panaginip 'yon pero sobrang saya ako. Minsan naisip ko na rin na hindi na lang magising para makasama ko na siya kung saan kami parati nagkikita. Bukang bibig ko na lang ay puro Aksana.

"Aksana..." bigla kong wika.

Umangat ang tingin ko ng maramdam na may humaplos sa 'king ulo.

"Miss mo na siya?" biglang tanong ni Stefano.

"Hmm," tipid kong tugon at inabot ang garlic bread na nakapatong sa lamesa ko.

Nasa himapapawid parin ang eroplanong sinasakyan namin. Business class ang napili nila kung saan kami mauupo. Sobrang daming pagkain ang nasa harapan namin at halos maubos ko ang kalahati no'n.

"Don't worry malapit na tayo," tugon nito at naupo sa tabi ko.

Si Papa ay tahimik lang na nakatutok sa kanyang laptop at may kausap pa sa cellphone. Nilingon ko siya, seryoso ito habang nagsasalita. Mukhang napansin niya na may nakatingin sa kanya kaya tumingin siya sa pwesto ko.

Ngumiti siya sa 'kin at ganoon din ako. Sumandal ako sa aking kinauupuan. Malapit ko ng maubos ang pagkain namin kaya umidlip muna ako. Naging tahimik at maingat ang byahe namin hanggang sa makalapag sa airport ng Pilipinas.

Kusa akong ngumiti ng matamaan ng sikat ng araw ang balat ko at hinangin ang aking kulot at pino kong buhok.

"Come here, Delaihla. Baka magkasakit ka sa balat kapag nabilad ka ng sobra sa araw," biglang anas ni Stefano at lumapit sa 'kin.

May hawak siyang malaking itim na payong. Tumabi ako sa kanya para mapayungan ako. Si Papa naman ay naunang bumaba at nagtungo sa van na sasakyan namin. Nakasunod lang sa kanya ang mga bodyguards nito.

"Let's lunch on Aksana's grave. It's that okay? Alam kong siya ang gusto mong puntahan kapag nakabalik kana rito," saad ni Papa. Nakalingon siya sa 'kin dahil nakaupo ito sa shotgun seat ng van.

Habang kami ni Stefano ay nasa first row ng van. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Ewan ko ba parang bumalik lahat ng sigla sa katawan ko ng makabalik ako rito sa Pilipinas.

Nilingon ko si Papa at tumango.

"Sige po," tipid kong tugon.

Napatingin ako kay Stefano na abala ngayon sa kanya cellphone. Nilingon niya ako at binulsa ang cellphone nito.

"Sino kausap mo?" tanong ko.

"Si Stephanie. Nandoon na siya sa sementeryo hinihintay tayo. Nakalatag na rin doon yung banig na uupuan natin," tugon niya.

Mukhang narinig ni Papa ang usapan namin kaya napalingon siya sa 'min.

"Ganoon ba? Bibili na lang tayo ng pagkain pagkatapos didiretso na tayo roon. Nakakahiya naman kay Stephanie kung magtatagal tayo."

Sabay kaming tumango ni Stefano at naghintay lang doon sa van. Naging mabilis lang din ang pagbyahe namin dahil 'yon nga ang sabi ni Papa. Wala rin tigil ang bangayan namin ni Stefano sa loob ng van. Natutuwa siya kasi parang ang sigla na at masaya ako ngayon dahil nakauwi na kami sa Pilipinas.

"Delaihla! Namiss kita!" nakangiting salubong sa 'kin ni Stephanie.

Sinalubong niya ako ng yakap at ganoon din ako. Nagtawanan kaming dalawa ng tignan namin ang isa't isa.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Where stories live. Discover now