CHAPTER 2

836 17 6
                                    

CHAPTER 2

UMAGA na akong nakarating sa bahay. Napahaba ang nangyari sa amin ng kliyente ko, pero ayos lang kasi dinagdagan naman nila yung bayad sa akin. Hindi rin maiwasan na humapdi ang pagitan ng dalawa kong hita dahil sa trabaho ko.

Pagkarating ko sa bahay naabutan ko si Stephanie na nakasuot na pang sales lady na uniform. Pinapakain niya si Aksana ng almusal, nakasout narin 'to ng uniform.

"Good morning!" Nakangiti kong bati sa kanila.

Sabay silang tumingin sa akin. Nanlaki ang mata ni Aksana at tumakbo papunta sa akin. Niyakap nya ang hita ko.

"Fria, Good morning din! Saan ka pumunta? Atsaka bakit ganyan ang damit mo!" nakanguso nitong saad habang tinuro ang damit ko.

Mahina akong natawa at hinila siya papuntang lamesa. Masyado kasing revealing ang sout kong damit.

"Wala ka na bang masout? May sampung piso ako sa bag! Ibibili kita ng damit sa ukayan ni Aling Ising," giit niya.

Nagkatinginan kami ni Stephanie at tinawanan si Aksana. Ngumuso siya sa akin at tinuloy ang pag-kain sa almusal.

Niyuko ko ang aking ulo para tignan siya. Nangingilid ang kanyang luha habang ngumunguya. Napabugtong hininga na lang ako.

"Axe, nag-bibiro lang kami ni Tita Stephanie mo," mahina kong saad habang sinusuklay ang kanyang makapal at kulot na buhok gamit ng aking daliri.

Kumuha ako ng tinapay at kinagatan 'yon.

"Bakit kasi ganyan ang damit mo! Hindi ko 'yan nagugustuhan. Baka mamaya may lalakeng mag-kagusto sa 'yo tapos kukunin ka niya sa 'kin," naiiyak niyang saad.

Napailing na lang ako at hinagkan siya. Nagkatinginan kami ni Stephanie, nakangiti siya habang pinipigilan ang sariling hindi matawa.

"Ano ka ba naman! Sinong magkakagusto sa akin? Ang panget panget ko kaya! Walang kukuha sa akin atsaka sa 'yo lang ako," malambing kong saad.

Mahirap na baka bigla siyang topakin.

"Promise mo 'yan, ah. Mag-tatampo talaga ako sa 'yo," mahina niyang saad.

"Promise," nakangiti kong saad habang hinihimas ang kanyang buhok.

"Aalis na 'ko, Fria. Mamayang alas dose pala ang balik ko dito," salita niya at tumayo na.

Kinuha ko ang pitcher at nilagyan ng tubig ang baso ni Aksana.

"Ang aga naman, 'di ba dapat mamayang gabi ka pa uuwi?" tanong ko habang kumakain ng tinapay.

"May shift na kasi ako pero sabi ni bossing wala parin daw mag-babago sa sahod ko kaya okay na rin 'yon," salita niya at isinukbit ang bag sa kanyang balikat.

"Sige! Ingat ka."

Tinanguan niya ako at umikot sa lamesa para puntahan nya si Aksana. Hinalikan niya sa pisngi si Aksana.

"Bye, baby! Aalis na si tita. Huwag kang makulit kay ate mo, ah," malambing na saad ni Stephanie kay Aksana.

"Opo! Bye po tita, I love you!" masiglang saad ni Aksana.

Mahina kaming natawa.

"I love you too," umakyat ang tingin niya sa 'kin. "Bye," pag-papaalam niya sa 'kin.

Tinanguan ko siya at tuluyan ng lumabas sa bahay. Pinagmasdan ko si Axe na tahimik na kumakain. Ako ngayon ang maghahatid sakanya sa school.

"Aksana," pag-kuha ko sa kanyang atensyo.

Hinarap nya ako habang kumakain. "Bakit?" salita niya habang ngumunguya.

"Pumasok si Tita Stephanie mo sa work niya. . . Alam mo ba ang ibig sabihin no'n?"

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Where stories live. Discover now