CHAPTER 10

519 14 26
                                    

CHAPTER 10

"NAPALITAN na ba yung yero sa banyo?" Tanong ko habang kumakain.

Nag-aalmusal kami ngayon dito sa bakuran. Maaga akong nagising at sakto naman n'on pagkalabas ni Stephanie sa kanyang kwarto.

"Oo, tapos na. May natira pang 500. Iniwan ko sa ibabaw ng vanity table mo," sagot niya at uminom sa kanyang kape.

"Dumaan ka na lang ng grocery pagkauwi mo mamaya. Dagdagan ko na lang iyon ng isang libo, wala na tayong stock ng pagkain pati na rin mga shampoo at sabon."

Tumango ito sa akin. "Sige."

Sinandal ko ang aking likod sa monoblock na kinauupuan ko. Namayani ang katahimikan, mga huni lang ng ibon ang naririnig namin.

"Hindi na lumilitaw papa mo, ah," pag-basag ni Stephanie sa katahimikan.

Inirapan ko siya at kumuha ng spanish bread.

"Ang daming puwedeng itanong bakit 'yan pa," asik ko at kinain ang spanish bread.

Tumawa siya at nagkibit balikat. "Ewan ko ba. Bigla nalang din pumasok sa utak ko, eh."

"Hindi ko naman siya kailangan. Sanay ako na walang papa bakit pa siya bibisita rito," sagot ko habang nakatingin sa kape ko.

"Delaihla, papa mo parin siya. Kadugo mo 'yon. Kahit hindi mo siya kailangan darating ang araw na kakailanganin mo siya o karamay," salita nito. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin.

"Hindi mo naman maitatakwil 'yon, eh. Sa kanya nang galing 'yang kulay ng buhok mo," tinuro niya ang buhok ko at bahagya pang natawa.

Kinuha ko ang butter knife at inambahan siya na sasaksakin.

"Hiwain ko 'yang bibig mo eh. Bwisit ka," padaskol kong binagsak ang butter knife at humalukipkip.

Tinawanan niya ako at tumingin sa kanyang cellphone.

"Gisingin mo na si Axe. Ala sais na," aniya.

Tumango ako at tumayo na. "Kuhaan mo na lang siya ng makakain. Gutom 'yon panigurado."

"Sige."

Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto. Pagkapasok ko sa kwarto nakita ko si Aksana na nagbibihis ng uniform.

"Sana tinawag mo 'ko para matulungan kita," salita ko habang nakahalulipkip.

Napatingin siya sa 'kin at nanlaki ang mata nito.

"Ate! Tulungan mo 'ko, yung huling butones hindi ko mapasok! nasaan na yung butas?!"

Humalakhak ako at lumapit sa kanya. Nagsisimula ng mamula ang kanyang mukha dahil sa pagkairita.

Tinali ko muna ang buhok niya into ponytail. Napakagulo kasi ng kanyang buhok.

"Halika ka nga. Ako na mag aayos niya, nagusot na yung uniform mo," natatawa kong sabi.

Agad naman siyang lumapit sa 'kin. Kaya pala nawawala ang sinasabi nitong butas kasi mali mali ang pagkakalagay niya. Napailing na lang ako at inayos ang kanyang uniform.

"Ayan, tara na. Mag-aalmusal ka pa. Nagluto kami ni Tita Stephanie mo ng fried rice atsaka tocino. Paborito mo 'yon 'di ba?"

Gumuhit sa kanyang labi ang ngiti at masayang tumango sa akin.

"Oo! Tara na," hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa bakuran.

Pagdating namin sa bakuran. Naupo kaagad si Aksana sa kanyang upuan. Natawa ako ng makita ang reaksyon niya habang naglalagay ako ng fried rice at tocino sa kanyang plato.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Where stories live. Discover now