CHAPTER 28

384 10 3
                                    

CHAPTER 28

LUMIPAS ng limang buwan ay sinabi ko na kay Papa na mag tatrabaho na ako sa kumpanya niya. Hindi pa sana siya papayag dahil 'di pa raw ako maayos pero nagpumilit ako.

Kailangan ko ring ituon ang pansin ko sa ibang bagay para hindi ko maisip si Aksana at para na rin maka move on. Lalo na 'yung sa sinabi ng doctor na hindi na raw ako magkakaanak. Sobra akong naapektohan no'n.

Tahimik akong nakaluhod sa luhuran sa simbahan. Pinunasan ko ang luha ko habang nakatingin sa altar.

"'Eto na ba 'yung karma mo sa 'kin?" Mahina kong wika. "Kung kasama roon si Aksana sana ako na lang sinaktan mo. Hindi mo na lang siya dinamay," umiiyak kong wika.

"Pangako magbabago na 'ko. Tama na 'to parang awa mo na," mahina kong wika at napayuko.

"Tama na..."

Nang masabi ko na ang gusto kong sabihin ay lumabas na ako sa simbahan. Naupo ako saglit sa bakanteng upuan at inayos ang sarili ko. Kaka-out ko lang sa kumpanya ni Papa at dumiretso rito sa simbahan.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Stefano.

To: Stefano

'Pauwi na ako. Pasabi kay Papa.'

Kumunot ang noo ko ng hindi siya makapagreply. Sa lahat ng mga nakatext ko si Stefano ang napakabilis mag reply. Parang lahat ng irereply niya sa 'kin ay nakasave sa notes niya at i-cocopy niya sabay paste na lang sa chatbox namin.

Napailing na lang ako at pinasok sa bag ang cellphone. Nilabas ko ang itim na doll shoes na binili ko sa SM department store at sinuot.

Kanina pa nangangalay ang paa ko sa heels ko. At syempre nakakailang balik na rin ako sa iba't ibang department dahil sa mga utos kaya ramdam ko ang sakit.

Nag-request pa si papa na ako na lang ang mag mamanage ng kumpanya dahil si Stefano magkakaro'n na rin ng sarili nito. Ang kaso sabi ko gusto ko munang maranasan kung pano maging empleyado sa kumpanya nito. Buti na lang at pumayag siya.

Inabot ako ng ilang oras dahil sa traffic. Hinihilot ko ang leeg ko habang naglalakad papasok sa village.

"Good-evening po Ma'am," nakangiting bati ng guard.

Tipid akong ngumiti sa kanya at kinawayan.

"Good-evening din po."

"Available pa po yung tricycle Ma'am hatid na po kita," tugon ng Guard.

"Salamat po pero gusto kong maglakad," tugon.

"Ay sige po Ma'am! Ingat po kayo. Report lang po kayo rito kung may nambastos sa inyo," wika ni Guard.

"Sige po. Salamat."

Ningitian ko ulit siya at lumiko sa unang kanto. Gumilid ako ng biglang may tumawag sa phone ko.

'Cattalina'

"Hello?" Bungad ko.

"Hi, Daisy. Can we talk to you?" Tugon ni Cattalina.

We?

"Hmm. Sino kasama mo?"

"Mom... kung p'wede. Kailan ka ba free?"

Bigla akong kinabahan sa sinabi nito. Gusto akong makausap ng mama nila, bakit?

"Bukas ng tanghali. 12 pm, it's that okay?"

"Okay! Thank you very much. See you tomorrow," masayang wika ni Cattalina.

Napangiti ako at tumango na akala mo ay nasa harapan ko siya. "You're welcome. Take care."

"You too!"

Siya na ang nagbaba ng tawag kaya binilisan ko na ang paglakad ko. Nakahinga ako ng maluwag ng matanaw ko na ang bahay. Bumagal ang lakad ko ng marinig na parang nagkakagulo sila sa front yard.

"Ano na naman bang ganap dito?" Mahina kong wika.

Nang tuluyan akong makapasok sa gate napatanga ako sa nakita ko.

"Dapat talaga pinagisipan mo muna na pupunta ka ba rito o hindi. Mali ka ng desisyon!"

Si Dominic nakahandusay sa sahig at maraming pasa sa mukha. Putok na ang gilid ng kanyang labi. Nasa harapan niya ang mga bodyguards ni Papa at nakisama si Stefano sa pambubugbog sa kanya. Kaya naman pala hindi nakareply sa 'kin.

Paglingon ko sa gilid ay nakita ko si papa na nakaupo lang sa upuan at umiinom ng juice.

"Itigil niyo na 'yan," wika ko ng akmang papasugurin pa ni papa ang bodyguards nito.

Iniwas ko ang paningin ko ng tinignan ako ni Dominic. Pinatong ko sa lamesa ang dala kong bag at nilapitan siya.

"Delaihla," pagpigil ni papa.

Bumaba ang tingin ko kay Dominic. Kahit anong pigil ko sa damdamin ko ramdam ko ang pagkirot ng puso ko ng makita ang kalagayan nito.

"Umuwi kana, Dominic. Wala kang mapapala rito," mahina kong wika.

Umangat ang tingin niya sa 'kin at dahan-dahang tumayo.

"Is it true? Aksana is our d-daugther?" kita ko ang pangingilid ng kanyang luha.

"Yes," tugon ko.

Nanghihina itong napahawak sa 'king balikat at tinignan ako habang lumuluha.

"That night? When I fetch you—"

"Paulit-ulit ka ba? Sinabi ko na lahat lahat nung nandoon ako sainyo! Oo, anak mo siya! Anak natin! Ikaw may kasalanan kung bakit siya nawala!" Galit kong wika.

Tinanggal ko ang kamay niya kaya bumagsak ulit ito sa sahig. Parehas na kami ngayong luhaan. Nasa likod ko ang mga bodyguards ni Papa at si Stefano.

Pinunasan ko ang luha ko. "Umuwi kana. Parehas lang nating sinasaktan ang isa't isa."

"Parehas tayong may mali. Gusto ko ng magbago at sana ikaw rin," seryoso kong wika. "Sobrang nagsisisi na ako ngayon at sana ikaw rin, lahat ng nararanasan ko ngayon alam kong karma na 'to. Umuwi kana baka hinahanap kana sainyo."

Tinalikuran ko na siya at kinuha ang bag ko sa lamesa. Bago ako pumasok sa loob ng bahay narinig ko ang sigaw nito.

"I'm sorry! I'm really sorry!" Umiiyak nitong sigaw. "Delaihla! I'm sorry!"

Sumandal ako sa pader at tinakpan ang bibig ko para pigilan ang hikbi. Walang tigil sa pagtulo ang luha ko. Sumilip ako sa bintana at nakita ko na pinapalabas na siya ng mga bodyguards ni Papa.

"Delaihla! I'm sorry! Please, forgive me!"

I'm sorry, Dominic. For now I can't forgive you.

SHANGPU

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt