CHAPTER 21

350 8 8
                                    

CHAPTER 21 

"PAPUNTA na 'ko d'yan!" 

Dinampot ko kaagad ang gamit ko at lumabas sa restaurant. Pinatay ko kaagad ang tawag at tumakbo palabas sa mall. Pumara ako ng taxi at pumasok sa loob. Sinabi ko sa kanya ang lugar kung saan ko nakatira.

"Manong pakibilisan po kailangan ako ng kapatid ko," umiiyak kong wika. 

Lahat ng masayang alaala namin ni Aksana biglang pumasok sa isip ko. Napahagulhol ako at sinabunutan ang sarili. 

Ayaw ko! Ayaw! Tumigil ka!

Doble ang kabang nararamdam ko. Gustong kumawala ng puso ko sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit ganito! 

Please huwag mo siyang kunin sa 'kin. 

"D'yan ka lang po manong."

Umiiyak na lumabas ako sa taxi at nagkasalubong kami ni Stephanie. Punong puno ng luha ang pisngi nito habang karga si Aksana na habol parin ang kanyang hininga. 

"Axe! Baby, nandito na si Fria. Pupunta na tayo ng ospital," binuhat ko siya at umiiyak na pumasok sa taxi. Sumunod si Stephanie na naka upo sa shotgun seat. 

"Manong sa pinakamalapit na ospital po. Pakibilisan na lang po," dinig kong wika ni Stephanie. 

"F-fria..."

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti kay Aksana. "Shush. Nandito na si Fria, gagaling kana. Huwag ka munang matulog. Mahal ka ni ate, huwag mo kaming iiwan, ah," humihikbi kong wika at sinusuklay ang buhok nito. 

Hinahalikan ko ang noo nito. Namumutla na ito habang nakatingin sa akin. Pawis na pawis ang kanyang mukha kaya walang tigil din ako sa pagpunas ng kanyang pawis.

Agad ko siyang binuhat ng makarating kami sa unang ospital na pinuntahan namin. Binuhat ko siya at patakbong pumasok sa emergency. 

"Tulong! Yung kapatid ko inaatake sa puso," umiiyak kong wika habang tumatakbo. 

Napatigil ako ng biglang nay humarang sa akin. "Pasensya na po ma'am puno na po ang lugar para sa mga batang pasyente. May sinugod po na mga estudyante rito dahil sa food poison."

"F-fria. . . Kuya Dom. . . Tita. . . Papa lolo. . . Kuya Stef. . ."

Bumaba ang tingin ko kay Aksana nang biglang nagsalita. Umiling ako habang patakbong lumabas sa ospital. 

"Shush. Nandito na si Fria. . . Please huwag mo 'kong iwan," walang tigil sa pagtulo ang luha ko. 

"Sa iba pa! Pakibilasan manong magbabayad ako ng malaki sa 'yo," umiiyak kong wika. 

Yinakap ko si Aksana at hinagod ang likod nito. Inaway pa ni Stephanie ang isang nurse dahil puno narin sa kanila dahil sa food poisoning na insidente. 

"Putangina nila!" Galit at umiiyak na wika ni Stephanie.

Tahimik akong umiiyak at tinignan si Aksana sa bisig ko. Nakangiti ito sa akin at inabot ang mukha ko. 

"F-fria. . . Ate. . . I love you," nakita ko ang pagtulo ng luha ni Aksana. 

Humagulhol ako at niyakap siya. Ilang beses akong umiling sa mga pinagsasabi nito. Sumisikip na rin ang dibdib ko dahil sa pag-iyak. 

"H-huwag mo 'kong iwan! Pangako mo sa 'kin 'yan, 'di ba? Hindi mo kami iiwan. Parang awa mo na, Aksana," malakas kong sigaw sa loob ng taxi. 

Binabagtas namin ngayon ang pangatlong ospital at pinagdadasal ko na sana ay papasukin na kami. 

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Where stories live. Discover now