CHAPTER 3

669 17 6
                                    

CHAPTER 3

ABALA ako sa pag-lalagay ng concealer sa gilid ng aking labi at sa pisngi ng biglang nag-ring ang cellphone ko.

I took a deep breath before I picked up the phone and answered the call.

"Hello?" salita ko habang nagpapatuloy sa pag lagay ng concealer.

"Good day, Ma'am. Pinapatawag po kayo ng principal. Tungkol po ito kay Aksana."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig kong binanggit niya ang pangalan ni Aksana. Naibagsak ko ang concealer.

"B-bakit? Anong nangyari s-sakanya?" kinakabahan kong tanong.

Narinig ko ang pagbugtong hininga nito sa kabilang linya. "Pumunta na lang po kayo rito sa school, Ma'am."

Binaba ko kaagad ang tawag at dinampot ang wallet sa ibabaw ng lamesa. Tumakbo ako palabas ng bahay at pumara ng tricycle papunta sa school.


"ANONG nangyari?" hinihingal kong saad.

Malakas na hikbi ni Aksana ang narinig ko. Bumaba ang tingin ko sa kanya at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang malaking bukol sa kanyang noo.

"Aksana! Anong nangyari sa 'yo?" naiiyak kong saad.

Yumakap siya sa 'kin at doon pumalahaw ng iyak. "Ate!" sinubsob niya ang kanyang muhka sa 'king leeg.

Nilingon ko ang adviser nito, nakayuko ito. Napakamot ako sa 'king buhok dahil sa pinaghalong inis at galit.

"Ma'am naman sinasabihan ko 'tong kapatid ko na hayaan at huwag na lang pansinin ang umaaway sa kanya. Pero yung ganito!? Yung mag-kakabukol siya! Hindi ko matatanggap!" I snapped.

Hindi ko na napigilan na tumulo ang pinipigilan kong luha dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kinarga ko si Aksana na patuloy parin sa pag-iyak at paghikbi.

"Baby, calm down. Shush. . ." Pag-papakalma ko sa kanya.

Lalong humigpit ang pag-kakayakap sa 'kin ni Aksana na lalong ikinaiyak ko.

"Pagsabihan mo rin 'yang kapatid mo! Tinulak niya ang anak ko kaya gumanti siya!" sigaw ng ginang sa 'kin.

"Pinagtanggol lang ng kapatid ko ang sarili niya!" sigaw ko pabalik at nag-taas baba ang dibdib dahil sa galit.

"Aba, ang bastos din ng bibig mo—"

"Oo! Bastos ang bibig ko!" pagputol ko sa sinabi niya.

"Ilang beses ng nag-susumbong sa 'kin ang kapatid ko dahil sa anak mong walang tigil sa pambubully sa kanya! Bakit? Dahil sa kulay ng buhok niya!? Dahil kakaiba siya sainyo!? Hinahayaan ko lang 'yon dahil away bata lang!" umiiyak kong saad.

"Hindi niyo alam kung gaano kasakit na makita na pilit niyang kinukukalayan ng pentel pen na itim ang buhok niya! Para lang maging normal siya kagaya ninyo!" wala tigil sa pagtulo ang luha ko pababa sa 'king pisngi. "Hindi niyo rin alam kung gaano kalaking impact sa kanya ang pambubully ng anak mo sa kapatid ko."

"Sa tingin niyo ginusto namin na maging ganito!? Hindi!"

"Ma'am, kalma lang po," rinig kong wika ng teacher sa akin pero hindi ko pinansin 'yon.

Kahit sumasakit ang lalamunan ko hindi parin ako tumitigil sa pag salita. Gusto kong malaman nila ang saloobin ko. Inangat ko ang ulo ni Aksana at pinakita sa kanila ang namumulang bukol nito.

"Itong bukol na 'to! Sa tingin mo away bata lang! May bukol ba ang pwet ng anak mo kaya nag-aalburoto ka ng ganyan!" malakas kong sigaw sa kanya.

Natahimik ang ginang dahil doon.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED Where stories live. Discover now