CHAPTER 30

410 11 0
                                    

CHAPTER 30

"BAHALA ka d'yan. Iiwan talaga kita kapag kinuha mo 'yan," wika ko habang tinutulak ang cart papuntang cashier.

Bumagsak ang balikat nito. "Just one, Delaihla—" 

Umangat ang kamay ko at akmang susuntukin siya.

"Mapupuno mo na yung drawer sa sala kakabili ng alak! Ibalik mo 'yan doon," tugon ko.

Hinila ko ang mangas ng kanyang polo at siya ang pinagbayad ng pinamili naming groceries dito sa target.

"Sa labas lang ako mag-hihintay," wika ko at nauna ng maglakad palabas.

Sumandal ako sa pader at humalukipkip. Akala ko ilang buwan lang kami rito magtatagal ni Stefano pero akala ko pala 'yon. Isang taon na kami rito dahil sa pagaasikaso ni Stefano sa kumpanya ni Papa.

Hindi ako nakauwi sa death anniversarry ni Aksana pati ang birthday niya pero sa susunod ay uuwi na 'ko dahil sa Pilipinas ako magbibirthday at hindi rito. 'Tsaka gusto ko na rin talaga umuwi sa Pilipinas.

Binuksan ko ang cellphone ko at tinignan ang wallpaper ko. Hindi ko parin naman binago ang wallpaper ko—si Aksana parin ang nasa cellphone ko. Napapikit ako ng biglang dumaan ang malakas at malamig na hangin.

"Ang lamig," mahina kong wika.

Kinuha ko ang hair clamp na dala ko at nilagay 'yon sa buhok ko. Nilapitan ko kaagad si Stefano ng makitang kalalabas lang.

"Bakit ang tagal mo?" Naiinis kong wika.

"Gusto pang makipagusap nung cashier sa 'kin," tugon nito at sabay kaming naglakad papunta sa parking lot.

Napailing na lang ako sa sinabi nito at naunang pumasok sa passenger seat. Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko ng biglang nag-ring.

"Hello?"

Napatingin sa 'kin si Stefano at nagkibit balikat lang ako. May pinindot ako sa cellphone para marinig din niya ang sasabihin ni papa.

"Hindi na naman ba pumasok si Stefano?" tanong ni Papa.

Tumaas ang gilid ng labi ko at tinignan si Stefano.

"Nope. He wants to stay at apartment—"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng tinakpan niya ang bibig ko. Malakas ko siyang hinampas at nahulog pa ang cellphone ko sa lapag.

"What's happening? Nasaan ba si Stefano," biglang wika ni Papa.

"D-dad," wika ni Stefano.

Nilapag ko sa dashboard ang cellphone para makapagusap sila. Humalukipkip ako at tumingin sa labas ng bintana. Hindi ko na pinakinggan ang sermon ni Papa kay Stefano.

Kumunot ang noo ko ng makita ang pamilyar na tao. Nilapit ko ang mukha ko at tinignan ng mabuti ang taong nakita ko pero mabilis lang 'yon dahil mabilis ang takbo ng kotse ni Stefano.

Inayos ko ang upo ko at humalukipkip. Imposimbleng siya 'yon.

"Anong nakita mo?" Kunot noong tanong ni Stefano.

Nilingon ko siya at dumukwang para kunin ang cellphone ko.

"Wala. Akala ko yung kakilala ko lang," mahina kong wika.

Tumango lang siya at tinuon ang pansin sa pagmamaneho.

"Sasamahan mo pa ba ako sa kumpanya? P'wede ko naman i-send kaagad sa laptop mo yung gagawin mo kung ayaw mo sumama sa 'kin."

Binuksan ko ang cellphone ko at dumiretso sa notes para tignan ang gagawin niya sa susunod na araw.

"Hindi ko pa alam. Sabihan lang kita kung sasama ako o hindi," tugon ko.

Bad Romance (Gorqyieds Series #1) - SOON TO BE PUBLISHED حيث تعيش القصص. اكتشف الآن