†TDKB 13: Walnut

870 35 1
                                    

†††
CHAPTER 13: WALNUT

She locked herself inside her room. Now that she knows his secret, she fears that sooner or later he would chase her to kill her. Heath is a monster. He has no mercy! Paano sya makakawala sa kaniyang mga kamay? He's powerful. Kailangan nyang pag-isipang mabuti ang gagawin niya.

She needs to pretend that she's oblivious of anything. Dapat hindi maghinala si Heath sakaniya. Matalino ito at ano mang galaw niya ay maaari niya agad ito mabasa.


May nagawa ba syang kasalanan noon at nangyayari ito sakaniya? Bakit sa lahat ng tao...sya pa ang ibibigay sakanya? Akala niya aayos na ang lahat matapos makipagkasundo siya sa binata. Ni hindi sumagi sa isip nya na ang makakasama niyang lalaki habang buhay ay maaaring maging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

*knock knock*

Her heart sudden leaped a bit. Dahil sa lalim ng kaniyang iniisip, hindi nya na alintana ang paligid. Muli itong kumatok ngunit kailangan nyang makasigurado na hindi ito nakaambang panganib.

"Sino 'yan?"

"Ako po si Merceditas kamahalan. Nagpaluto ang mahal na hari ng mainit na sabaw upang bumilis ang iyong paggaling."

Binuksan niya ang pinto ngunit niliitan lang nya ang awang nito. She looked down at the food she was holding. May dala itong tray na kung saan nakalagay ang pagkain. The food looks delicious but she needs to make sure there's nothing poisonous attached to it.

"Maaari mo bang lasahan para sa akin?"

"Kamahalan?" she looked confused.

Huminga siya ng malalim. "G-Gusto ko lang malaman kung anong opinyon mo rito. Dahil napansin kong...n-nawalan ako ng panlasa marahil sa masama kong pakiramdam."

"Isang hamak lang akong tagasilbi kamahalan. At sa tingin ko, ang opinyon ko ay hindi ganoon kahalaga sa sitwasyon na ito."

"Ano man ang posisyon nyo sa palasyo, ang opinyon nyo ay mahalaga para sa akin. Gusto ko lang na matikman mo ang pagkain na nakahanda sakin. Mapagbibigyan mo ba ako?"

"Ngunit baka magalit sa akin ang mahal na hari."

"Wala kang dapat ipag-alala. Ako ang bahala sa mahal na hari." she hesitated but after convincing her a bit, she tasted the food.

"Anong lasa?" naghintay siya sa ano mang reaksyon nito sa katawan.

Muli niyang ninamnam sa dila nito ang pagkain. "Masarap ang pagkakaluto. Tamang-tama lang ang timpla ng mga rekado."

Nakahinga na siya ng malalim. Maybe he was just concern to her and spared her life... for now.

"Maraming salamat. Maaari ka ng bumalik sa iyong trabaho." kinuha niya ang tray at yumuko lang ito saka umalis.

She sat down on the edge of her bed. Her stomach grumbled when she smell the porridge. Ngayon lang sumagi sa isip niya na hindi pa pala siya nag-aagahan. Hinandaan siya ni Heath pero hindi niya kayang humarap sakaniya.

She held the spoon and took a sip. Tama nga si Merceditas. Masarap ito. Kakaiba ang lasa sa ordinaryong lugaw pero malinamnam ito. Ngunit may parte siyang nakain na medyo matigas. What is this? A kind of nut perhaps.

Nakakailang subo palang sya nang makaramdam siya ng pagsikip ng dibdib. She's breathing hard. Gasping for air. She find her room small and suffocating. Nasagi niya ang kaniyang pagkain kaya tumilapon ito sa sahig at nabasag. She stood up but lost her balance in dizziness.

THE DEATH KING'S BRIDE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon