†TDKB 46: Heading to Palace

377 14 0
                                    


† † †

CHAPTER 46:  HEADING TO PALACE

The only way to get out of this empty room is that door where she went in. Ang kaso ni-lock iyon ni Huakin. Isang araw nang nakalipas ngunit hindi pa ito bumabalik upang dalawin o puntahan man lang siya. Sinubukan niyang maghanap ng lagusan palabas sa basement na ito ngunit tanging higaan, bathroom, mga old painting, figurines at ibang cleaning materials ang nandito.


Hindi siya nakakita ng bintana dahil ang lahat ay gawa sa sementadong pader. Sinubukan niyang kalampagin nang malakas ang pinto at sumigaw upang humingi ng tulong. Ngunit wala ni isang nakarinig sakaniya. Walang nag-atubiling tulungan siya.

Ang tanging nagdala ng pagkain sakaniya ay si Manang Torina. Nasabi nito na mahigpit na binilin ni Huakin na huwag siyang papalabasin kahit sino mang tao ang narito sa mansyon. Si manang lang ang binigyan ng kakayahang makapasok sa silid.

Sa buong araw binuhos niya ang lahat ng galit at poot sa pag-iyak. Hindi niya kailanman naisip na magagawa niya ito sakanya. Nang tinignan niya ang mukha nito ay parang ibang Huakin ang kaharap niya.

He looks a different person—gone with gentleness and care. Naging malupit ito at sinaktan siya. Dahil sa mga sinabi niya ay lalong gumulo ang isip niya. Why did he treat her like he owns her or possesses her?

Dahil sa nawala niyang memorya hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga tinuran nito. Ngunit malakas ang pakiramdam niya na may nalalaman si Huakin sa nakaraan niya.

One thing that caught her attention was she seems indebted to him. May sinabi ito na ilang beses na siyang niligtas ng binata pero saan?

If he's a good person why would he locks her up here? Bakit tutol siyang makita niya ang hari?

Sari-sari ang tanong na pumupuno sa utak niya at kahit isa ron ay wala siyang nakuhang kasagutan. She's trying to connect the dots and make an explanation to this situation.

Hindi ito gagawin ni Huakin kung wala siyang tinatagong sikreto. If her assumption is right, gustong pigilan siya ng binata na magtagpo sila ng hari. In that case, Huakin probably knows something about the attachment of the king and her.

Ang kailangan niyang malaman ay kung ano iyon. Pero sa ngayon, ang dapat nyang unang isipin ay kung paano makakalabas dito.

Tahimik siyang nakahiga sa kama habang nakatalukbong ang kumot sakaniya. Bigla nalang siyang nakarinig ng pagbukas ng pinto. Patay ang ilaw at nakaharap ang likod niya rito. Wala siyang ideya kung sino ang pumasok. Tanging yapak lang ng mga paa ang naririnig nito.

Bigla siyang nakaramdam ng kaba. She feel the presence of this person behind her back. "Clementeen."

Muntik na siyang mapag-igtad sa gulat nang hawakan nito ang braso niya. Pagkalingon nya sa likod ay nakita niya ang mukha ni Manang Torina.

"Tumayo ka na riyan, kailangan mong makaalis na rito." napaayos naman siya ng upo.

"Paano kung malaman ito ni Huakin? Hindi ba't pinagbabawal niya na paalisin ako rito?"

"Wag mo na iyang isipin. Wala ang senyorito ngayon sa mansyon dahil may importante itong pinuntahan. Pero mahigpit niyang tagubilin sa lahat na huwag kang papatakasin. Ngunit hindi ko na kayang makita kang nakakulong dito. Lalo na't narinig ko sa senyorito na balak ka niyang ilayo sa lugar pagkauwi niya. Kaya tutulungan kitang makatakas."

"Paano po kung may mga nagbabantay sa labas?"

"Ako nang bahala. May alam akong sikretong daanan palabas sa mansyong 'to. Tinawagan ko na rin si Gaston para kunin ka. Baka ngayon nakaantabay na iyon sa sinabi kong lugar kung saan ka niya hinihintay." Paliwanag nito. "Kailangan na nating kumilos."

THE DEATH KING'S BRIDE [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang