†TDKB 23: Painting

614 23 1
                                    

RD: Pasensya na sa late update. I had been busy for school work. I'll try to update more often but i can't promise. ╯ 3╰ Kasalanan rin ni Luffy kaya nahati atensyon ko. Gomennasai!

Maraming arigatou sa patuloy na nagbabasa

Enjoy reading!

† † †
CHAPTER 23: PAINTING

The third dish is already finished. Amoy pa lang nito ay nakakabusog na. Biglang kumalam ang kaniyang sikmura. Hindi pa siya nag-aagahan sa kadahilanang gusto niyang sabayan ang binata na kumain.

Tatlong putahe ang kaniyang niluto. Base sa kusinero na kadalasang naghahain kay Heath, ang mga paboritong pagkain ng binata ay sinigang na hipon, dinuguan at sisig. Marami pa itong sinabi ngunit nagfocus lang muna siya sa tatlo. Kaya madaling araw pa lang nagsimula na siyang magluto.

Kumuha siya ng mga baunan at isa-isa itong inilagay dito. Nakahiwalay naman ang kanin na dinamihan niya dahil alam niyang kailangan ni Heath ng maraming lakas para sa buong araw.

She grabbed the jar of water and put it inside the basket along with the boxes of food. Gumawa rin pala siya ng egg sandwich at chocolate na ipinabili nya sa bayan.

“Kamahalan hindi po ba 'yan masyadong marami para sa mahal na hari?” tanong ni Anastasia na nag-assist sakanya sa pagluluto.

“Sa tingin ko nga kulang pa ito.”

She giggled. “Tiyak na matutuwa ang mahal na hari sa sobrang pag-aalalaga mo sakaniya.”

Her face reddened.

“Lalo na't nalalapit na ang pag-iisang dibdib nyong dalawa. Kaya hindi na ako magugulat kung araw-araw madadatnan kitang nagluluto rito upang magsanay.”

Bigla siyang nakaramdam ng kaunting hiya sa sarili. “Tama na nga 'yan. Kailangan ko pa ito ipadala sa hari.” tinalikuran nya ito at nagsimulang maglakad habang dala ang basket.

Hindi naman siya nagsasanay magluto upang paghandaan ang pagtatali nilang dalawa. Hindi siya ga'noon kabihasa magluto ngunit masisiguro nyang masarap ito.

“Arf! Arf!”

She looked behind her back and see the little paws of her puppy running towards her. Little Fire wiggled his tail. He looks giddy and excited.

“Morning Little Fire. You want to come with mommy?”

“Arf! Arf!”

Her heart melted to see those adorable blue orbs eyes while he jumped in glee.

“C'mon! We'll visit your dad.”

Sumunod naman ito sakaniya. Ang limang tagapagbantay nya na si Octavious, Mykel, Osvaldo, Marcelus at Orson ay siyang nakabuntot din sakaniya.

She cleared her throat.

“Hindi nyo naman ako kailangang bantayan 24/7. Kaya kong pumunta sa mahal na hari nang ligtas. Maaari kayong magpahinga muna o magsanay kung ano mang gustuhin ninyo.”

"Ipagpaumanhin ninyo kamahalan ngunit ito ang utos ng mahal na hari sa amin.” Marcelus replied.

“Hindi namin iyon maaaring gawin sa oras ng trabaho kamahalan. Magagalit sa amin ang hari lalo na kapag nalagay sa alanganin ang inyong buhay.” Orson added.

THE DEATH KING'S BRIDE [COMPLETED]Where stories live. Discover now