†TDKB 42: Mask

383 15 1
                                    


† † †

CHAPTER 42:  MASK

She was enjoying making a bouquet of roses together with Jude and Laura. Nakilahok na rin siya sa paga-arrange ng mga bulaklak upang i-deliver ito sa shop ni Ate Samy— ang may-ari ng flower shop na kumukuha ng order sakanila.

Bago mamatay ang mga magulang ni Laura, mahilig na talaga ang kaniyang ina sa mga bulaklak. Kaya imbes na gumastos sila upang bumili ng bulaklak. Naisipan ng asawa niya na magtanim na lang ng iba't ibang klase nito.

Hindi naman nasayang ang paghihirap nila dahil napapakinabangan nila ang hardin nila sa magandang paraan.

Flowers made her mother happy that's why Laura wanted to share that happiness to everybody.

Nang matapos ay naghanda na sila upang umalis. Hindi nila kasama si Manang Torina dahil may inasikaso ito sandali.

Bitbit ni Jude ang dalawang malaking bungkos ng mga bulaklak. Isang maliit naman ang hawak ni Laura sa kaniyang kamay. Tag-isang mga paso ng bulaklak naman ang dala niya.

Six o'clock in the morning, Laura's look neat and presentable on her uniform. Ito ang pangalawa niyang araw sa paaralan bilang grade 1sa pribadong paaralan ng Abrya Elementary School.

Mahal ang gastusin dito ngunit nandiyan si Taimus na tumutulong sa pagpapaaral sakaniya. Buwan-buwan sila nakakatanggap. Nahihiya na nga si Manang Torina sa sobrang kabaitan nito. Kahit ilang beses siyang tumanggi, sadyang matigas ang ulo ng binata.

Nalaman din niyang malapit ang matanda sa mga magulang ni Taimus. Bata pa lamang ito nandyan na siya sa tabi nila. Kaya sobrang close nila sa isa't isa.

Dumating sila sa flower shop ni ate Samy. Marami pa namang oras si Laura dahil eight pa naman ang simula ng klase niya.

"Magandang umaga ate Samy!" Bati ni Laura.

"Magandang umaga." ngiting bati rin nito. Dumako naman ang mga mata niya sakanila. "May mga kasama ka pala."

"Opo, sila ang bago naming kasama sa bahay."

"Clementeen po. Ito naman po si Jude." pagpapakilala nya.

"Nice to meet you Clementeen at Jude." she smiled. "Salamat pala sa paghatid ng mga bulaklak. Ang gaganda pa rin nila."

may kinuha naman ito sa kanyang bulsa. "Ito ang bayad. Salamat sa inyong pagod."

"Ate saan ko ito ilalagay?" boses ng isang lalaki habang may bitbit na malaking paso.

Lumingon naman sila rito na agad silang napansin. The guy looked at her with a stilled face. His mouth was slightly open while staring at her.

"D'yan na lang sa gilid." tugon nito.

Mukhang hindi siya nito narinig at nanatiling nakatayo lang. Makailang segundo bago nagsalita si Ate Samy. "Gaston 'yung paso!"

Gaston was back at his reverie and shook his head. Pagkatapos niyang matauhan, nilapag niya ang paso. "Pasensiya na sa kapatid ko. Minsan talaga lutang ang isang 'yan."

"Ayos lang po." mahina siyang tumawa.

Nagtungo naman si Gaston sakanila habang ang mga mata ay diretsong nakapako sakaniya. "M-Magandang umaga. Gaston nga pala."

Lumapat ang mga mata nya sa nakalahad niyang kamay. Ngunit nang mapansin nya na may bakas na putik dito ay mabilis niyang pinunas ito sa itim nyang apron.

"S-Sorry. Kakatapos ko lang kasing maghulma ng mga paso." muli niyang nilahad ang kamay.

"Clementeen." tinanggap naman niya ito.
"Kailangan na pala naming umalis, may pasok pa kasi si Laura sa school."

THE DEATH KING'S BRIDE [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ