†TDKB 44: Change of Plan

347 12 0
                                    


† † †

CHAPTER 44:  CHANGE OF PLAN

She's been at work for only a week. Her job has been going nicely so far. Maganda ang pakikitungo ng amo niya sakaniya. Pagdating sa trabaho strikto ito ngunit kadalasan ang tingin niya ay imbis na personal assistant, kaibigan ang turing ni Huakin sakaniya.

Sa loob ng isang linggo may mga naobserbahan siya rito. When he's mad, he compulsively scratches his nose and crack his knuckles. Kadalasang namumula ang tainga niya kaysa sa mukha nito kapag nagagalit ito at nahihiya.

Huakin gave her a vintage bracelet with unique patterns on it. Gantimpala niya raw ito sa maayos niyang pagtatrabaho. Ngunit bilin niya pa na kailan man ay huwag itong tatanggalin. Ayon sakaniya, hindi lang itong simpleng pulseras. Magiging proteksyon niya rin daw ito sa anumang panganib.

Nagpadala rin siya ng mensahe para kay Gaston. Sinabi niya rito na maayos lang ang kalagayan niya at kinuwento rin niya ang mga ginawa niya habang nagtatrabaho kay Huakin. Tinanong din niya kung anong kalagayan na ni Jude at Laura. Tumutugon naman ito sa mga mensahe niya.

Clementeen,

Mabuti naman at hindi malupit ang amo mo sa'yo. 'Wag kang mag-alala nasa mabuting kalagayan si Jude at Laura. Maayos namin siyang inaalagaan ni ate. Nami-miss ka na nga ng dalawa. Palagi nila akong tinatanong kung kailan ka ba raw babalik. Hindi ko naman masagot dahil hindi ko rin alam.

Nakausap ko na rin si Casimiro, dumaan siya rito sa shop nang nakaraang araw. Gusto niyang ipaabot saiyo na humihingi siya ng tawad dahil hindi raw siya makakapagpaalam ng personal sa'yo. Dahil kailangan niya nang umalis sa mundong ito. Alam niya na kung saan makikita ang prinsesa nila. Pupunta siya sa mundo ng mga tao. Masaya raw siya na nakasama ka niya at maging kaibigan ka sa maikling panahon. Sana raw ay makamit mo ang inaasam mo.

Nabanggit na rin niya sa akin kung sino siya at ang misyon niya. Hindi ko akalain na mahirap ang kinakaharap niya ngayon. Kapag nakakaramdam ka ng lungkot, o kung nangangailangan ka ng tulong, 'wag kang mahihiyang lumapit sa akin. Handa akong pumunta r'yan upang tulungan ka.

Mag-iingat kayo palagi ni Manang d'yan. Sana palagi kayong malayo sa peligro. Sana may pagkakataon na magkaroon kayo ng libreng oras na pumunta rito. Hanggang dito nalang baka sermunan na naman ako ni ate.

iyong kaibigan,
Gaston

Panatag siya na nasa maayos na kalagayan ang mga bata at may nag-aalaga sakanila. Nagpapasalamat siya kay ate Samy at Gaston.

Galing siya ng kusina pagkatapos niyang gumawa ng panghimagas para kay Huakin ayon sa kautusan nito. Tutungo siya ngayon sa swimming pool area na kung saan ngayo'y nandoon ang lalaki na abala sa paglangoy.

Pagkababa niya ng hagdan agad nyang napansin ang tatlong babaeng animo'y inasinan na bulate sa hamba ng malaking sliding glass door na nakabukas. Sa harap kasi noon ay ang pool area.

Para silang giraffe na todo ang paghaba ng leeg upang makita lang ang senyorito. Narinig nya pa silang maghagikhikan habang pinapanood ito.

"Anong ginagawa nyo?" ngisi niyang tanong sakanila pagkatapos nyang lumapit.

"Nagpapakabusog." namumulang tugon ni Felis.

THE DEATH KING'S BRIDE [COMPLETED]Where stories live. Discover now