†TDKB 15: Mother

836 37 1
                                    

† † †

CHAPTER 15: MOTHER


They betrayed me.

The worst part of it was knowing that her sister had been orchestrating a plan to kill her. It was still unknown to her the reason why she was eager to end her life. Binabalikan niya lahat ng alaala nilang dalawa. Naging mabuti naman siyang nakakatandang kapatid. Hindi pa ba sapat lahat ng sakripisyong ginawa niya para sakaniya?

Carnala was her only family. Kinakaya niyang magpatuloy sa buhay dahil sakaniya. She's the reason of her success. And to think that while she's building a life with her, Carnala wants to destroy her.

Binuhos niya ang lahat ng luha ng gabing iyon. Dahil sa mga nakita niya—lahat ng mga planong narinig nya mula sa kapatid. Ang tumakas pa sa mundong ginagalawan niya ay hindi na sumagi sa isip niya.

Para saan pa? Hindi niya kayang bumalik sa sariling mundo at harapin ang dalawa. Ang kataksilang ginawa nila at pati ang pagplano ng kamatayan niya. Does Jordin know all about these? Alam nya ba na binalak ng kapatid na kitilin ang buhay nya?

If so, why would he tolerate this? Kahit sabihin manlang ito sakaniya.

Heath was right. She's naive that's why she got easily fooled. Kung sakaling may alam nga si Jordin dito at sabihin ito sakaniya. Baka hindi niya ito paniwalaan.

Matagal siyang niloko ng dalawa. Ginawang tanga. Wala siyang ginawa kung hindi mahalin sila at ibigay ang lahat. Simula ngayon, hindi na niya hahayaang mangyari uli ito.

She locked herself inside her room— unable to get up on her bed. Nakatingin lang siya sa kisame blangko ang isip.

She heard the creaking sound of the door. Hindi niya na nilingon kung sino ang pumasok. Dahil presensiya pa lang nito ay kabisado nya na.

Heath noticed the tray of food on the table—clearly haven't touch. Hindi pa ito nababawasan maging ang tubig niya ay ga'nun din. “Don't you like the food?"

hindi siya sumagot.

He sighed. "Are you planning to starve to death?"

She slowly turned her head. He looks like he was holding his patience. “Why wouldn't you kill me?"

"And why would i do that?"

"Hindi ba doon din ako pupunta? You'll kill me. Not now but soon. Just like your wife."

He gritted his teeth. "Ex-wife." he corrected. "It's none of your concern. Wala kang alam sa nangyari."

"Pero may posibilidad bang patayin mo ako? Katulad ng kapatid ko?"

Nilukob ng katahimikan ang buong silid. Nanatili ang mga tingin ng dalawa sa isa't isa. Heath was silent for a moment. Akala niya ay hindi na ito sasagot nang magsalita ito.

"If you tried to kill me."

She mockingly laugh. "Paano naman kita mapapatay? You're powerful. Wala akong laban sa'yo." malalim siyang bumuga ng hangin. "At isa pa, hindi ako katulad ng kapatid ko. Kahit sobra pa ang galit ko sa isang tao, hinding-hindi ko magagawang kumitil ng buhay. I don't want to stain my hands even if i want to."

THE DEATH KING'S BRIDE [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora