†TDKB 29: Trainees

505 26 1
                                    

† † †

CHAPTER 29: TRAINEES

Minulat niya ang mga mata at unang nasilayan ang mukha ng binata. Payapa itong natutulog sa tabi niya. Nakadapa ito habang ang maskulado niyang braso ay nakapulupot sakanya.

Napangiti siya. Inobserbahan niya ang makinis niyang mukha. He looks so perfect. Every angles of his face is so fine. Napaisip siya na kapag siya ang magiging ama ng mga anak nila. Panigurado makukuha niya ang features ng daddy nya.

Palihim naman syang kinilig. Lahat naman ng tao ay hindi perpekto katulad ni Heath. May mga flaws ang bawat isa na minsan hindi sinasang-ayunan ng dalawa.

Palagi silang nagkakainitan noong una. She despise his gut. She hated him. But suddenly all things have turned. Sa mga panahon na unti-unti niyang nakikilala si Heath. Natutunan nya ring intindihin kung saan ang pinanggagalingan nito.

Itinaas niya ang kamay upang hipuin ito sa pisngi ng binata. Tinanggap na nya sa sarili na nagugustuhan nya na ito. Ngunit may pangamba pa rin siya sa dibdib. Dahil hanggang ngayon hindi nya alam kung pareho ba sila ng nararamdaman.

He didn't confess his feelings. What if she's just assuming things? Dumoble ang sweetness nito, ang pag-aalaga at ang closeness nila. Pero paano kung ginagawa niya lamang ito dahil may pinagkasunduan sila.

Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib. What if this is part of the contract?

Sa kabila ng galit nya kay Samoa, tinago nya pa rin ang wedding portrait nilang dalawa. Maalikabukan man ngunit nandoon pa rin ang alaala nilang dalawa.

Paano kung mahal nya pa rin ito?

She deeply sighed. Mahirap labanan ang taong yumao na.

Bahagya siyang nabigla nang hawakan ng binata ang kamay nya na nakalagay sakanyang pisngi. “Goodmorning.”

He opened his eyes as he kissed her hand.

“G-Goodmorning.”

“You seem deep in your thoughts.”

“Huh?”

He smiled. “I can feel it. Something's troubling you. Care to share with me?”

Isa ba ito sa mga kapangyarihan nya? Ang lakas naman ng pakiramdam nya kaya pati ang nararamdaman nya ngayon ay alam nya.

“Nothing.”

“I know there is sweetheart. Base on my research, if your woman said there's nothing wrong it means the opposite.”

“Nag-search ka?”

“Ofcourse. I want to understand you. So i can adjust and know what to do if you act strange.”

She's a bit speechless right now. Heath just made a research for her. Naisama nya pa ito sa kabila ng gabundok na trabaho nya. Hindi siya magpapanggap na hindi ito nagkaroon ng kakaibang impact sakanya. It instantly melted her heart.

“Can you elaborate what kind of strange you were talking about?”

“Hmm.. Like when you get mad at me with no reason or you suddenly avoid me and refused to talk to me.”

THE DEATH KING'S BRIDE [COMPLETED]Where stories live. Discover now