†TKDB 41: Her Mission

426 16 1
                                    


Special thanks sa mga nagvvote, comment at sumusuporta sa TDKB tulad ni prkjln_ MenchieBedruz  Zalddict  Conniescastillo SamaraKie  ashlyvillarde JanKrznaLapana Xyriannablythe janndecz  JaineSyrhineDomocmat  MyleneCaber4 BadKnights. Kung hindi kayo natawag, pasensya na.

At syempre sa mga silent readers d'yan, maraming arigathanks. Road to 2k na tayo guys! Ay lab yu ol! (ノ≧∇≦)ノ ミ ┻━┻

Ang TDKB pala ay available na sa Novelah, Storyon at Finovel. Non-exclusive siya kaya nababasa nyo pa rin ito sa wattpad.   Specials chapters will be published there.

Check it now! (☞ ಠ_ಠ)☞

† † †
CHAPTER 41:  HER MISSION

Huminto ang mundo niya nang magtagpo ang kanilang mga mata. Tila bumagal ang paligid at ang tanging nakikita lang niya ay ang babaeng nakatayo sa gitna ng kaguluhan.

Mas malakas pa ang pintig ng kaniyang puso sa kabila ng ingay. Hindi mapagsidlan ang tuwa niya nang masilayan muli ang maganda nitong mukha.

Hindi niya alam kung gaano katagal niya pinagmasdan ito. Ngunit base sa mga mata ng dalaga, may nakikita siyang pagkamangha at kalituhan dito.

Do you recognized me, sweetheart? Gusto niya itong dambahin ng mahigpit na yakap at pugpugin ng mga halik—Ikulong sakaniyang bisig at di na kailanman pakawalan.

Naalis na siya sa pagkabigla. Umangat ang kanyang labi bago inihakbang ang mga paa. Hindi niya inalis ang mga mata rito. Ngunit mabilis na naglaho ang ngiti nito. Dahil sa isang kisap-mata ay bigla itong nawala.

Imahinasyon niya lang ba iyon? Pero sigurado siyang nakita niya ito! Hindi siya maaaring magkamali. Si Carquirelle ang nakita niya.

She was there standing—their eyes locked to each other. He's not hallucinating. Hindi siya pwedeng mawala.

Muli niyang tinignan ang kwintas. Humihina ang ilaw na nagmumula rito. Ibig sabihin, lumalayo na ang dalaga sa kaniya.

Kinuyom niya ang kamao. Abot kamay na niya ito. Hindi siya makapapayag na makawala pa ito.

Heath run towards the path where she last saw her. Mas lalong nag-alab ang kaniyang puso upang hanapin ang dalaga.

I will find you even in the depths of this world, my love.

MAHUSAY at ligtas silang nakalabas sa loob ng warehouse. Salamat sa tulong ni Leandro na siyang naging gabay nila. May nakita itong sikretong lagusan palabas. Napansin na lang nila na sa malayong parte na sila ng warehouse na pinapalibutan ng mga puno.

Isang bagon ng dayami ang nakita nilang nakaparada sa gilid ng malaking puno. Sumakay si Leandro sa unahang upuan sa labas—siya ang magpapatakbo sa kabayo.

THE DEATH KING'S BRIDE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon