†TDKB 16: History

802 35 0
                                    

Disclaimer: This story is mostly fictional. The characters, places, or events are created from the imagination of the author. If you have seen some parts that resemble another story or movie. It must be a coincidence....or maybe not. ╮(╯3╰)

TRIVIA: this story was inspired by the movie of Lucifer. The idea of Death and evilness.

† † †
CHAPTER 16: HISTORY

After the world was created, humans were molded like his flesh. Animals were born. Trees and plants. Everything was perfectly made by his majestic hands. They called him Father. As he was the father of all the universe.


Father has a wife. The Mother of light and intelligence. They have five offspring. Zeddicus, the eldest child and the rebel one amongst the siblings. Known as the god of desire.

Second child, Thaeyr, god of fortune. The obedient child to his father. Competitive and the good son amongst the siblings.

Third child, Inrasil, god of wisdom. His intelligence was beyond even his mother couldn't rate his intelligence. He rules peace and order.

Fourth child, Hudros, god of war. Siya ay may pambihirang taglay ng lakas at liksi ng katawan. Siya ang namamahala sa hukbong sandatahan.

Fifth child, Vydite, god of beauty. The only flower amongst the sibling. The favorite child of their father. Always pampered and gets what she wants. Siya ang namamahala sa mga anghel at nagpapanatili ng kagandahan ng mundo.

Abala sa pagsasanay ang dalawang magkapatid gamit ang kanilang mga kahoy na armas. Sila ay magkatunggaling winasiwas ito sa isa't isa. Ang kanilang ama ay abala sa kaniyang tungkulin. Samantala ang kanilang ina ay abala sa pamimitas ng mga gulay na kaniyang lulutuin para sakanilang tanghalian.

“Ayoko na." binitawan nito ang kaniyang armas.  "Gusto ko namang mamasyal."

"Ngunit kuya ang sabi ni ama ay hindi tayo maaaring lumabas ng hindi nagpapaalam sakaniya."

"Paano tayo makakapagpaalam kung wala siya palagi rito." naghanda ito sakaniyang pag-alis. Ngunit pinigilan ito ng kapatid.

"Magagalit si ama kapag nalaman niyang umalis ka! Baka mapahamak ka. Kabilin-bilinan niyang magsanay tayo sa pakikipaglaban. Dahil magagamit natin ito sa ating paglaki."

Isang taon lang ang agwat nilang dalawa. Ngunit sa murang edad ay sinimulan silang hasain sa pakikipaglaban. Si Insaril, ang ikatlong kapatid ay anim na taong gulang palang na ngayo'y abala sa kaniyang takdang aralin. Ang pang-apat naman na si Hudros ay tatlong taong gulang pa lamang ngunit kaya ng bumuhat ng mga bagay na mas malaki pa sakaniya. At ang panghuli, ang tanging prinsesa sa magkakapatid. Si Vydite ay anim na buwan pa lang. Hindi maikakaila ang taglay na kagandahan nito kahit sanggol pa lamang ito.

"Thaeyr, kaya ko ang sarili ko. Sampung taong gulang pa lamang ako. Ngunit alam ko kung paano ko dedepensahan ang aking sarili. At isa pa, tatlong oras na tayong nagsasanay. Gusto ko namang magliwaliw sandali."

"Ngunit anong sasabihin ko sa ating ama o ina kapag nalaman niyang wala ka?" bakas sa mukha nito ang pag-aalala sakaniya.

Nag-isip naman ang panganay. "Hmm... ikaw ng bahala. May tiwala ako sa'yo."

Si Zeddicus ang panganay sa magkakapatid ngunit siya rin ang pinakamatigas ang ulo sa lahat. Mabilis siyang mabagot sa mga bagay na palagi nilang ginagawa katulad ng pagsasanay nila ngayon. Hindi na bago sakaniyang ama na palagi niya itong sinusuway. Kadalasang parusa niya ay pagawin ang mga kinaiinisan niyang mga bagay. Katulad ng pagbabasa, pagluluto at mga gawaing bahay.

THE DEATH KING'S BRIDE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon