Chapter 6

27 8 0
                                    

Mabilis ang tibok ng puso ko. Kanina ko pa ito nararamdaman magmula nang marinig ko ang balitang iyon tungkol sa hinahanap kong tato. Pakiramdam ko ngayon ay tumataas ang aking dugo sa batok ko papunta sa utak. Highblood na ata ako.

Dala ng kaba, hindi naging maayos ang aking pagmamaneho ng motor papunta sa site kung saan natagpuan ang isang bangkay ng lalaki. Hindi rin ako sigurado sa aking madadatnan roon pero tulad ng sinabi sa akin ni Elmer, tignan ko na lang at ako na mismo ang magkumpirma sa aking hinala.

Tulad ng mga crime scene, marami ang mga usisero kahit na malapit na ang curfew. Nagkalat din ang mga pulis sa paligid at mga K-9 dogs. Kailan ba talaga sa ganitong krimen ang mga police dog? 

Dala ang aking ID, nakipagsiksikan ako sa mga taong nakapaligid sa nakakurdong lugar. Pumunta ako sa unahan upang magpakilala na isa akong reporter. Ipinakita ko lang ang company ID ko at saka ako pinapunta sa isang gilid kung nasaan ang iba pang mga reporter na kumukuha ng impormasyon sa isang pulis. 

Mabuti na lang at hindi iyon ang boss ni Elmer. 

Nakita ko roon si Judah na abalang nagta-type sa kanyang tablet. Tinawag ko siya at lumapit.

"Sipag mo ah... akala ko ba uuwi ka na?" wika ko nang magkaharap kaming dalawa.

Ngumiti siya sa akin at nagpakamot pa sa kanyang batok, "Wala eh... tawag ng responsibilidad. Bakit ka nga pala nandito? Gusto mong mag-cover?" tanong naman nito sa akin.

Umiling lang ako at sandaling lumingon sa bangkay na maingat na inilalagay sa stretcher. 

"Hindi. Narinig na kita kanina sa'tin. Pinuntahan ko lang 'yung pinsan kong pulis," sagot ko kay Judah na tumango at muling ibinalik ang tingin sa tablet.

"Teka, need na raw ng photos. Email ko lang sandali," nagmamadaling sabi nito. 

Napatingin naman ako sa hawak niyang tablet at pinagmasdan ang kanyang ginagawa roon. Bahagya pa akong lumapit upang masipat ang mga litratong kuha niya mula sa crime scene. At dahil ang pakay ko sa pangyayaring ito ay ang tato ng lalaki, hiniram ko ang tablet ni Judah upang tignan ang mga larawang naroon.

"Curious ka ata diyan, Oria? Sabi ko naman sa'yo na pwede kong ibigay sa'yo 'yang report basta--"

"Teka lang, Judah... ang dami mo na namang sabi," ang pagputol ko sa kanyang pagsasalita. Napatingin ako sa kanya nang mapagtanto kong gamit pala niya ang hawak ko, "ay, sorry... may tinitignan kasi ako. Sandali lang."

Ngumiti lang siya at binalewala ang pagtataray ko, "Sige lang, napasa ko naman na 'yung iba. Take your time." 

Isa-isa kong tinignan ang mga kuha niyang litrato. Malinaw ang mga iyon dahil sa gamit niyang DLSR na maaaring ipasa ng diretso sa ibang drive. 

Pinaliit ko ang aking mata habang pinalalakihan ang mga litrato. Ngiwi ang mukha ng lalaki na may bakas pa ng tali sa leeg. Kapansin-pansin rin ang puting bula sa bibig nito na para bang nilason. 

Hindi ako makahanap ng magandang posisyon ng lalaki kung saan makikita ko ang inverted cross na tato nito sa kanyang leeg. Hanggang sa mapatigil ako sa pag-scroll sa kaisa-isang litrato na naka-zoom sa mukha ng bangkay. 

Tama si Elmer. Parehong-pareho ang tatong iyon na may mga bulaklak pang disenyo ng tato. Hindi na ako nagsalita pa at saka isinauli kay Judah ang kanyang tablet. Agad-agad akong naglakad at tinalikuran si Judah na hindi man lang nagpapaalam. Narinig ko pa siyang tinawag ako ngunit hindi na ako lumingon dahil nakita ko si Elmer.

Tumakbo ako palapit sa aking pinsan na makabuluhan ang tingin sa akin.

"Oh ano? Baka naman may nakaalam na ng ginawa ko ha... sinasabi ko lang sa'yo. Para saan ba kasi 'yung tato na 'yon?

Dark Sense (Filipino Crime-Thriller Novel)Where stories live. Discover now