Chapter 18

12 6 0
                                    

Mabigat ang ulo ko magmula pa kagabi. Dala na rin siguro 'to ng pagpupuyat ko kakahanap sa internet ng Isla de Luna. Halos magdamag kong hinalughog ang metaverse ngunit kahit isang clue na magtuturo sa akin kung saan nga ba matatagpuan ang sinasabing pinangyarihan ng mass murder ay wala talaga akong makita.

Anong oras na nga ba ako natulog? Pasado alas tres na siguro. 

Heto ako ngayon, maagang nagising para pumasok na naman at magtrabaho. Mabuti na nga lang at may gana pa ako sa trabaho kong 'to dahil minsan para bang kusa na lang sumusuko ang aking katawan dahil sa pagod. Alam mo 'yung pagod ka na nga sa labas para mag-field report tapos pagbalik mo sa opisina, mapapagod pa ang utak mo dahil sa boss mong isang malaking kupal. 

Pero kahit na halos araw-araw ko 'tong nararanasan, gumagaan din naman ang pakiramdam ko lalo na't sa tuwing kasama ko si Judah. Siya na kasi ang nagiging taga-balanse ng araw ko at nagiging savior ko mula sa aming boss na pinaglihi sa sama ng loob. 

"Oh... mukhang wala ka yatang tulog ngayon?" bungad na tanong ni Judah sa akin pagkababa ng salamin sa driver's seat.

Maganda talaga ang araw ngayon. Sinabayan pa ng ngiti ng lalaking nasa harap ko ngayon. Ewan ko ba kung anong meron sa mga ngiti niya at nahahawa ako.

Sumakay ako sa kotse ni Judah sa kanyang tabi at nagsuot ng seat belt. "Nakapagkape ka na ba? Ako kasi hindi pa eh... diretso ligo na ako, sakit pa nga ng ulo ko," wika ko nang paandarin na ni Judah ang sasakyan.

Kumambyo siya at saka lumingon sa akin ng mabilisan, "Bakit na naman ba? Don't you tell me na nagpuyat ka na naman dahil do'n sa island na sinasabi mo ha. Pero ako rin, na-curious. Is it real?"

Hinawi ko ang aking buhok na basa-basa pa at tinignan ang aking sarili sa salamin, "Hindi ko rin alam kasi walang lumalabas sa metaverse na kahit anong location or what na may connection sa Isla de Luna. Feeling ko nga, na-fake news ako ng sino man."

Napatawa si Judah habang tutok sa pagda-drive, "Pero Oria, ano nga ba kasi 'yang plano mo sa kaso 'yang? It's been a while since you started tracking down people. Not just ordinary people ha... I mean, big bad people as per your statement."

Sa totoo lang, nagsisimula na akong mahirapan sa paghahanap ng mga sagot sa kasong binubuo ko. Hindi ko alam kung nasa tamang landas ba ako o mali na ba 'yung pinipili kong desisyon. Ang dami kasing mga impormasyon na mayroon ako pero ang hirap patunayan at isa pa, ang malaking tanong dito, bakit ko nga ba kasi 'to ginagawa?

"Bakit nga ba, Oria? Gaano ba kaimportante sa'yong malaman mo ang lahat ng 'yan? For what? Ako lang ha, I support you as your partner... well in reporting... pero look, hindi ko nga alam kung saan mo nakukuha ang mga bagay na 'yan. 'Yung buong reason hindi ko alam, Oria. Pero sabi ko nga, I respect you and nandito ako as a friend and of course, baby driver mo," ang mahabang litanya ni Judah.

Hindi ko maiwasang matawa dahil sa kanyang mga pinagsasabi at kung paano lumabas sa bibig niya ang mga salitang 'yon. 

"Baby? Yuck! Gago ka ba, Judah? Ew! Manigas ka!" ang kunwaring pandidiri ko sa kanya.

Napahalakhak naman siya na may paghampas pa sa manibela, "Oo! Matigas talaga!" 

Nanlaki ang mata ko at tinitigan siya ng masama. "The f*ck, Judah! Ang bastos mo!" sigaw ko sabay hampas sa kanang binti niya. 

Napatingin naman si Judah sa bahagi ng binti niya na hinampas ko. "Uy... tsansing. Ikaw ha," pang-aasar ng mokong na may pagtaas-taas pa ng dalawang kilay. 

Gusto ko mang mainis pero hindi ko maiwasang matawa kaya't inilabas ko na lang ang pinakamalakas kong tawa sa loob ng kotse ni Judah. Tumalsik pa nga ang laway ko pero mabuti na lang at hindi maarte ang lalaking kasama ko.

Dark Sense (Filipino Crime-Thriller Novel)Where stories live. Discover now