Chapter 10

23 8 0
                                    

Hindi ko alam kung paano pasasalamatan si Agent David sa ginawa niyang pagtulong sa akin. Matapos nangyaring insidente malapit sa Rizal Park, tinulungan ako nitong makapunta sa ospital upang magpatingin kung may seryosong nangyari sa katawan ko. Mabuti na lang rin at pick-up type ang kanyang sasakyan kaya doon na isinakay ang motor ko. Kaunting gasgas lang naman ang natamo ko at ng motor na hiniram ko pa kay lolo.

"Nakita mo ba 'yung plate number ng nakasalubong mong SUV?" tanong ni David habang nagmamaneho.

Hindi ako masyadong makalingon dahil masakit pa rin ang aking leeg at likod mula sa pagkakabagsak ko. 

"Hindi nga eh... ang bilis kasi nung nangyari," sagot ko at saka umayos ng upo. "Hahayaan ko na lang 'yun, karma na lang ang bahala sa kanya... at isa pa, buhay pa naman ako kaya okay lang."

Ngumisi naman si David sa akin, "Eh paano pala kung natuluyan ka?" 

Napatitig ako ng diretso sa aming dinadaanang highway. Ilang segundo rin akong natulala at napako ang mga mata sa puting linya sa aspalto. Paano nga kung talagang namatay ako dahil sa nangyari? O ang mas magandang tanong, takot ba akong mamatay?

"Sabi nga nila, kapag oras mo na, oras mo na. So... tingin ko, hindi ko pa oras kaya maswerte pa rin ako," ang sabi ko sabay ngiti kay David na maya't maya ang lingon sa akin.

Tumingin muna ito sa kaliwang side mirror bago tumabi sa pinakagitna ng daan. "Naniniwala ka ba sa Diyos?" seryoso nitong wika. 

Napakunot pa ako ng noo dahil sa kanyang tinuran. Naging seryoso ata siya. At isa pa, ngayon lang kami nagkakilala, ganito kaagad ang gusto niyang pag-usapan. 

Nilingon ko siya at diretsang sinagot ang kanyang tanong. "Hindi... hindi ako naniniwala sa one divine creator. May iba-iba kasing version ang mga religion at I respect that pero para sa'ki kasi... alam mo 'yun, parang ikaw mismo ang diyos ngt sarili mong tadhana."

Napatango-tango si David sa aking sinagot sa kanya, "Parehas pala tayo ng mindset. Pero minsan ba, ikaw... do you feel na mayroong isang invisible force na nagbabantay sa'yo as saving grace? Ako, oo... ikaw?" 

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang katanungang 'yon. Kasi kung iisipin, may mga pagkakataon sa buhay ko na muntik na akong mapahamak ng malala tulad kanina ngunit para bang may kung anong bagay o ano mang uri ng pwersa ang sumalba sa akin mula sa bingit ng kamatayan. Siguro nga, oo ang sagot pero hindi ako sigurado.

Nakapagtataka lang, sa dami-dami ng pwede naming pag-usapan ay iyon pa talagang seryoso. Dahil naiilang ako sa mga ganitong usapan ay inilihis ko ang kwentuhan namin. 

"Nga pala... saan ka niyan uuwi? May duty ka pa ba?" tanong ko sa kanya na animo'y matagal na kaming magkakilala. Magaan rin naman kasi siyang kausap at kasama.

Pumreno siya at saka pinatay ang motor ng sasakyan. Nakarating na pala kami nang hindi ko namamalayan sa headquarters ng National Intelligence.

"Magpapaalam muna ako sa boss ko tapos hatid na kita sa inyo," wika niya at saka binuksan ang pinto ng driver's seat, "Saglit lang ako... mga 10 minutes. Okay lang ba?" 

Ngumiti ako sa kanya at tumango, "Oo... okay lang. Nakakahiya nga dahil naabala pa kita sa trabaho mo."

Umiling ito at ngumisi, "Ayos lang, ano ka ba... patapos naman na ang duty ko. Sige, wait lang ha." 

Iyon lang at sinara na niya ang pinto at saka nagmadaling naglakad papasok sa kanilang building. Sinundan ko pa siya ng tingin bago maglaho sa makapal na mga aligagang tao. 

Tinignan ko ang aking relo sa aking kanang kamay. Bahagya pa akong nagulat nang makita ko kung anong oras na. Hapon na at kaunting oras na lamang ay maggagabi na rin. Hindi pa ako nakakabalik sa office kaya malamang ay hinahanap na ako ng boss ko. Patay rin kasi ang cellphone ko dahil bigla na lang iyong na-lowbat. 

Dark Sense (Filipino Crime-Thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon