Chapter 11

21 8 0
                                    

Pasado alas dose na ng tanghali at hindi na ako nag-abala pang mananghalian dahil dumiretso ako sa police station kung saan nakadestino si Elmer.

Maraming bumabagabag sa aking isip ngunit mas nangingibabaw rito ang misteryo sa pagkamatay ni Kapitan Ricky Asuncion. Sa barangay na kanyang pinamumunuan, kilalang mabait at matulungin ang taong ito kaya gano'n na lamang ang lungkot ng mga tao roon nang malamang mamatay ang kanilang chairman.

Para sa akin, wala man akong alam sa tungkol sa mga medical condition, batid kong hindi lang basta atake sa puso ang kanyang ikinamatay dahil sa salaysay ng sekretarya ng chairman na may bula raw ito sa bibig nang matagpuan sa loob ng opisina.

Kung ang maliit na bote ng wine ang tanging ininom nito, imposibleng malason siya dahil dito. At ngayon ngang nakuha nito ang atensyon at kuryosidad ko, aalamin ko kung ano nga ba ang kinalaman ng National Intelligence sa pagkamatay ng kapitan.

"Paano mo naman nasabing may kinalaman ang NIIA do'n? Grabe naman kung gano'n," wika ng pinsan kong pulis na si Elmer na tila nagdadalawang-isip sa aking mga ikinwento.

Sinalaysay ko na sa kanya ang lahat ng aking ginagawang pag-iimbestiga maski na rin ang mga kakaibang nangyayari sa akin lalo na kapag ako ay nakakatulog. At tulad ni Judah, naniniwalang nakakaranas ako ng trauma ayon kay Elmer.

Umihip ako ng sigarilyo na dati ay ayaw na ayaw ko. "Tingin mo ba... nagkataon lang na naglaho na lang na parang bula ang pamilya ni Ben na wala pang isang linggo matapos siyang makitang patay? Tapos, tingin mo ba... coincidence lang na nakuhanan ng video sa CCTV ang tauhan ng NIIA sa barangay at bigla-bigla na lang mabubura ang halos kalahati ng recording? Paano naman 'yung huling pakikipag-meeting daw nung chairman sa kung sino man, ilang araw bago siya mamatay?"

Batid kong mahirap paniwalaan ang nabubuo kong teorya dahil maski si Elmer ay tila naguguluhan sa aking mga sinasabi. Diretso lang siyang nakatingin sa akin habang nakasubo sa kanyang bibig ang paubos nang sigarilyo.

"Hindi sa kinokontra o hindi ako naniniwala sa'yo... pero bakit mo ginagawa 'yan? Hindi ko lang ma-gets, 'tol... kasi kung ako ikaw, mananahimik na lang ako dahil malaki-laki 'yang mababangga mo kung sakali," turan ni Elmer sabay umuhip ng huling beses sa sigarilyong upos na.

Ang kanyang tanong ay siya rin tanong ko sa aking sarili. Bakit ko nga ba 'to ginagawa? Kung tutuusin ay hindi ko naman ito ikayayaman pero bakit ko pa rin itinutuloy?

Napatingin ako sa malayo kung saan maraming tao ang abala sa kani-kanilang mga gawain. May mga nagmamadali, mayroon din namang tila kampante na sa buhay nila na nasa tabing kalye na lang. Kung sana ay gano'n na lang rin ang buhay ko. 

"Bahala na. Salamat pala sa number na 'to ha... hindi mo man lang sinabi sa'kin nung una pa na si Agent David pala 'yung ka-brader mo sa frat dati," wika ko.

Ngumiti naman si Elmer, "Kaya nga eh... small world talaga. Nga pala, hindi ka magsisisi diyan kay David. Mabait 'yun at saka deep." 

"Anong deep ang pinagsasabi mo diyan?" tanong ko naman dahil hindi ko siya maintindihan.

Natawa siya at saka humawak sa kanang balikat ko. "Basta deep siya... sobrang lalim. Para nga ring babae mag-isip 'yun," paliwanag ni Elmer sa akin. 

Tumango-tango ako sa kanya. Ang naisip ko naman sa sinasabi niyang deep ay malalim mag-isip. Naalala ko tuloy 'yung naging usapan namin sa loob ng kotse niya. 

Nagpaalam na sa akin si Elmer dahil may kailangan pa itong gawin sa loob ng presinto. Ako naman ay naiwan sa harap ng kanilang istasyon kung saan naka-park ang dala kong motor. Habang nakaupo ay naisipan kong tawagan ang numerong ibinigay sa akin ni Elmer. 

Dark Sense (Filipino Crime-Thriller Novel)Kde žijí příběhy. Začni objevovat