Chapter 23

16 5 0
                                    

Nakaramdam ako ng bigat sa aking binti. Hindi ko ito maigalaw dahil sa nakadagan sa akin. Humikab pa ako nang magising dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Mainit-init iyon sa pakiramdam kaya't nagising na nang tuluyan ang diwa ko.

Humahampas naman ang malakas na hangin mula sa labas papasok sa loob ng kwarto. Masarap pa sanang pumikit at bumalik sa pagkakatulog ngunit nagising na ako dahil sa pagkamanhid ng aking kaliwang binti. Paano ba naman kasi, magdamag yatang nakadagan sa aking ang malaking lalaking katabi ko ngayon sa kama.

"G--Good morning... aga mo naman," ang pupungas-pungas na wika ni Judah habang kinukuskos ang mga mata nito gamit ang kamay. Inaantok pa siya dahil sa kanyang boses na may pagkagaralgal.

Bumangon ako at saka hinala ang pinakadulo ng aking daliri sa kaliwang paa. "Namamanhind ang paa ko... dagan ka kasi nang dagan," singhal ko sa kanya.

Patuloy lang ako sa pag-unat ng aking paa na tila kinukuryente. Dali-dali namang bumangon si Judah sabay tayo at punta sa dulo ng kama kung nasaan ang aking paa. Magulo pa ang may kahabaan niyang buhok gayundin ang nag-iisa niyang suot na boxer brief. Hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa parteng iyon lalo na sa hubad niyang katawan kaya naman napangisi siya sa akin.

"All night... then now, all day? Hmm... I guess, you're obsessed--"

"Manahimik ka diyan!" angil ko kay Judah nang batuhin ko siya ng unan. 

Sa halip na tigilan ako sa pang-aasar ay ibinato lang niya ang unan sa lapag at saka gumapang sa kama papalapit sa akin. 

"Now you're resisting huh? Ayaw mo ba dito?" wika niya sa pinakamalalim at sexy niyang boses.

Umusog ako ng upo at napansandal na lang sa headboard ng kama. Tumayo si Judah sa aking harapan habang pinapadaan niya ang kanyang mga palad sa katawan niya. Inilalapat din niya ang mga 'yon sa kanyang harapan na unti-unting bumubukol kapag hinihimas niya iyon.

Napalunok na lang ako ng laway nang mas lumapit pa siya sa akin. Halos dumikit na ang ilong ko sa ilalim ng kanyang harapan kaya't umiwas ako ng tingin. Bigla naman niya akong hinawakan sa aking ulo at pinaharap doon. 

"I glorified you last night... now is your time to adore me," pabulong ngunit may diing sabi ni Judah habang hawak niya ang aking ulo. 

Ano bang mayroon sa lalaking 'to at nadadarang ako? Ano bang mahika ang nababalot sa kanya at bakit ako naaakit sa bawat galaw at buka ng kanyang bibig?

Sa hindi ko mabilang na pagkakataon, muli na naman akong nakipaglaro sa apoy. Nakuha na naman ni Judah ang loob ko at muling nagpasakop sa dala niyang saya at sarap.

Matapos ang tagpong iyon, para bang hindi na ako makapagsalita pa dahil sa pagkamanhid ng panga ko. Tinatawanan pa nga ang ng loko-loko habang nagbibihis ng pambahay.

"Gandang-ganda ka lang sa'kin kaya you want all day and all night!" sigaw ko sa kanya sabay bato ng pinaghubaran niyang boxer.

Tumawa siya ng malakas habang lumalapit sa akin. Nang nasa harapan ko na ay bigla sumeryoso ang kanyang mukha. "Thank you for letting me in your life, Oria. I never thought that this day would come at masasabi kong I'm the happiest man alive. Noon pa man na sinusungitan mo pa ako, I really wanted to be your friend... your lover and now we're here. Mahal na mahal kita," ang sinserong sabi ni Judah sa akin sabay halik sa labi ko.

Ilang ulit man niya akong halikan, ilang beses mang dumampi ang labi namin sa isa't isa ay para pa rin iyong una. Matamis at masarap sa pakiramdam.

Tulad ng kanyang sinasabi, hindi ko rin inakala na aabot kaming dalawa sa puntong ito. Akala ko, 'yung sayang nararamdaman ko sa tuwing magkasama kami sa field ay bilang magkaibigan lang ngunit mas malalim pa pala. 

Dark Sense (Filipino Crime-Thriller Novel)Onde histórias criam vida. Descubra agora