Chapter 21

14 6 0
                                    

Magdadalawang linggo na magmula nang masuspinde ako sa trabaho. Mula sa isang buwan na suspension demerit ay ginawa itong dalawa dahil daw sa multiple grave misconduct na nagawa ko. Wala rin naman akong magagawa pa dahil opisyal na ang desisyon ng management. 

Ilang araw na rin akong gumigising ng sobrang aga. Mula sa dati kong body clock, nag-iba ito at nagulo ang buong sistema ng aking katawan. Hatinggabi na kung matulog ako hindi dahil nag-e-enjoy sa pagkawala ko sa opisina kundi ay dahil sa matinding pag-iisip. Hindi ko rin makontrol ang sarili ko na magising ng maaga. Halos kasabayan ko nang bumangon sina lolo at lola na alas kwatro pa lang ay nagkakape na.

Sa buong buhay ko bilang isang reporter, ang ginusto ko lang naman ay magbalita at ihatid ang mga tunay na nangyayari sa paligid. Pero bakit tila may malakas na pwersa na pinipigilan itong mangyari? O sadya bang ito nag nakatadhana sa buhay ko? 

Nasa malalim akong pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Alam kong si lola iyon kaya naman umayos ako ng upo sa gilid ng aking kama at hinantay ko siyang kusang pumasok.

"Apo... ilang araw ka na yatang nagigising ng ganitong oras? Narinig ko sa labas na may nahulog sa dito. Okay ka lang ba?" may pag-aalalang usisa ni lola sabay pulot ng nahulog kong laptop sa sahig. Nakatulugan ko na kasi iyo kagabi sa tabi ko kaya't pagbangon ko ay nasagi ko.

"Gano'n pa rin naman po. Matutulog na lang ulit ako, 'la. Baka may gagawin ka pa," ang matamlay kong sagot sa kanya.

Ngumiti ito ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Napag-isipan mo na bang mabuti? Paano ka makakabalik niyan?" seryoso niyang tanong.

Huminga ako ng malalim habang pinagkukuskos ko ang dawala kong kamay. "Hindi naman po kasi ako baliw... sige na 'la, matutulog na ulit ako," tugon ko kay lola at saka muling humiga at tumalikod sa kanya.

"Basta apo kung kailangan mo kami ng lolo mo eh nandito lang naman kami... sige na," saad niya at narinig ko na lang na sumara ang pinto. 

Pumaling ako ng tingin sa bandang pintuan upang masiguro na wala na nga si lola. Doon ako muling umupo at inayos ang mga nakakalat kong gamit.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang gawin ang hinihinging demand ng MNC para sa aking psychological state. Naniniwala ako at alam ko sa sarili ko na hindi ako baliw at walang mali sa akin lalung-lalo na sa aking pag-iisip. Sila lang naman ang naniniwalang may mali sa utak ko dahil lang sa mga maliliit na bagay na nagawa ko. Pero bakit ko nga ba nagawa ang mga 'yon? 

Tumayo ako para hubarin ang sweatshirt na noong isang araw ko pa suot. Inihagis ko ito sa basket ng mga marurumi kong damit. Lumapit ako sa cabinet at nakita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. 

Suot ang itim na bra at cycling shorts ay maigi kong pinagmasdan ang aking katawa. Habang tinitignan ang katawan ko ay napansin kong lumalaw ang aking balat sa ilalim ng braso. Pumapayat na pala ako kakaisip at sa maling body clock ko. 

Binuksan ko ang cabinet at kukuha na sana ng masusuot kong t-shirt nang bigla akong napalingon sa bintana dahil sa kung anong tumama doon. Nilapitan ko iyon at hinawi ang kurtina. Napakunot pa ako ng noo nang makita ko ang crack sa salamin ng bintana. Akma na sana akong aalis para dedmahin 'yon nang masulyapan ko ang isang matangkad na lalaki na nakatayo sa ilalim ng poste. Siya rin 'yung lalaking nakita ko noon na naka-tuxedo at sumbrerong itim.

Ang unang pumasok sa isip ko nang makita ang taong iyon ay siya ang may kagagawan ng mga kamalasan sa binubuo kong conspiracy theory. Sa tingin ko ay isa rin siyang espiya na ipinadala para sundan ako at sirain ang aking imbestigasyon. Kaya ngayong nakita ko na siya at huling-huli pa sa akto ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na komprontahin ang lalaking iyon.

Dark Sense (Filipino Crime-Thriller Novel)Where stories live. Discover now