Chapter 20

12 6 0
                                    

Nakadilat man ang mga mata ko ngunit sa aking isip ay nananalangin ako kahit na madalas akong mawalan ng tiwala. Sa puntong ito ng buhay ko na nakataya hindi lang ang trabaho ko kundi ang kaligtasan ng aking pamilya at malapit sa akin.

Sa mga nangyayari sa paligid at sa pagbuo ko sa isang conspiracy theory, alam kong isa lang ang kahihinatnan ko kapag ako na ang nasundan nila at ito ang kamatayan. 

Yumuko ako at napapikit. Medyo nakaramdam ako ng kirot sa aking sintido kaya't napahawak ako roon. 

Naramdaman ko naman ang paglapat ng kamay sa aking balikat. Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Elmer. "Okay lang 'yan, 'tol. David... hindi ba magaling ka maglagay ng virus sa mga computer natin noon sa college?" tanong ng pinsan ko.

Inatras ni David ang kinauupang swivel chair at humarap kay Elmer. "Naalala mo pa 'yun? Hanep ah! Teka... hmm... meron ako ditong mga self-build at self-destructive virus na pwede kong gamitin para ma-break nang sandali ang firewall na nilagay nila," paliwanag ni David sabay balik ng tingin sa computer at saka mabilis na nag-type sa keyboard.

"Kung maglalagay ka ng virus, hindi kaya ma-detect pa rin nila tayo?" segunda kong tanong sa kanya. 

"Hundred percent... yes! Ma-de-detect pa rin nila tayo pero kung magawa natin na mailagay ang virus nang mabilis at makapasok tayo kaagad sa system ng cellphone mo, hindi nila tayo makikita," dagdag pang paliwanag ni David na hindi lumilingon sa akin. 

Tumango-tango ako habang pinapanood ang kanyang ginagawa. Sunud-sunod ang labas ng command box sa screen ng computer kasabay ng mabilis na paglagay ng mga alphabet at numeric code. 

Ilang beses ko mang basahin at intidihin ang mga pinaghalong letra at numero ay hindi ko pa rin ito maintindihan. Sadyang iba-iba nga talaga ang kaalaman ng mga tao.

"Wait... 1,2 and... 3! Yes! Heto na, may access na ako. The best talaga 'tong Kratos Virus ko haha!" sigaw ni David na pumalakpak pa. Mukhang ilang beses na niyang nagamit ang virus na kanyang sinabi. 

Masaya man na nagawang ma-access ni David ang cellphone ko pero may kaba pa rin dahil mas naunang mabuksan ng kung sino mang hacker na 'yon ang cellphone ko. 

Mas lumapit ako sa screen at gano'n din si Elmer na tutok na tutok sa bawat pindot ni David.

"Sure ka na ba na i-delete ang lahat ng information, account at files mo?" tanong sa akin ni David na mabilis lang na lumingon sa akin.

Tumingin din si Elmer at tila nagsasabing pumayag ako. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin na buburahin ang lahat ng mga nasabi ni David kaya nalito ako.

"Ano na, Oria? Mag-decide ka na oh..." mariing wika ni Elmer.

Sinegundahan naman ito ni David na bigla na lamang nataranta. "Tangina... ang lakas ng anti-virus system niya. Bahala na, buburahin ko na 'to lahat."

Gusto ko mang pigilan si David ngunit wala akong nagawa kundi ang panoorin siyang burahin ang lahat ng impormasyon sa cellphone ko. Hindi ko rin naman alam kung paano pa makukuha 'yon dahil malamang ay hindi na ako muling makakabalik pa sa complex. 

"Ano 'to? B--Bakit may remote room access ang luma kong tablet?" nagtatakang sabi ni David sabay tayo at nagmamadaling naglakad palapit sa isang shelf.

Sinundan lang namin siya ng tingin ni Elmer na nagtataka rin sa sinabi ni David. Mabilis lang din siya doon nang makuha na ang gadget. Pasalampak siyang umupo at ibinagsak ang tablet sa ibabaw ng mesa.

"Bakit 'tol? Anong nangyari?" nahihiwagaang tanong ni Elmer kasabay nang pag-akbay nito kay David. Napalingon naman si David sa kanya at nagtama ang kanilang mga paningin dahil sa lapit ng mukha nila sa isa't isa. Mabilis ding umiwas si David at inilagay ang isang puting plug sa tablet.

Dark Sense (Filipino Crime-Thriller Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon