07: COMBINED

159 11 0
                                    


Asher's POV

"Good morning, Kuya kong pogi!" Ashley greeted me with a wide smile.

"Morning, pangit." Bati ko rin pabalik habang abala sa pagtingin ng pwedeng makain sa ref.

"Tss, hindi na kita babatiin bukas." Sinamaan niya pa ako ng tingin.

"Okay." Tipid kong sagot.

Suminghal pa ulit siya bago padabog na umalis, pabalik sa kwarto niya. Napailing na lang ako at isinara na ang ref. Tinamad na ako magluto kaya magkakape na lang ako. Pagkatapos kong magtimpla ay dumiretso na ako sa counter. Sakto namang lumitaw si Dad out of nowhere.

"What happened to your sister?" He asked as he yawned. Halatang kagigising niya lang dahil bukod sa magulo ang buhok niya, nakapantulog pa siya.

"Nothing. I just greeted her." I shrugged.

"Bakit nakaporma ka? Saan lakad? Inaya mo na bang mag-date si Inaya?" He laughed because of his question. I rolled my eyes at him and shook my head.

"She's still into Ishmael." Balewala kong sambit atsaka nilagok ang natitira kong kape.

"Tsk, tsk, tsk. Ibang klase naman kasi ang lahi ng Tito Blaze mo, laging pinipili." And then he laughed like an idiot again.

"Mom chose you." I put on a serious face.

"I know. Meeting her was the most pleasant accident in which I've ever been involved." He smirked.

Napailing na lang ulit ako bago nagpaalam. Walking distance lang naman ang bahay namin sa bahay ni Avia kaya hindi na ako magdadala ng kotse.

"Hindi talaga kita babatiin bukas!" Pahabol pa ni Ashley pero hindi ko na siya pinansin. Sigurado naman kasi akong babatiin niya pa rin ako bukas. She appears tough on the outside, but on the inside she is the softest person on earth.

Manang mana kay Mom.

Habang naglalakad ay may natanaw ako sa 'di kalayuan. Likod pa lang, alam ko nang si Caidence 'yon. May kaharap siyang babae at mukhang nagtatalo sila.

"What's happening here?" I interfered.

"This bitch, binangga niya ang kotse ko!" The girl exclaimed. Mukhang nasa 20's lang din siya tulad namin.

"No, I did not! Aksidente ang lahat." Caidence denied.

"Anong NO?! Alam mo bang milyones ang halaga ng kotse ko tapos ginasgasan mo lang?! Are you nuts?! Huh?!" Tinulak-tulak niya pa si Caidence sa balikat kaya pinigilan ko na ang kamay niya.

"Why don't you just make a deal? You don't have to push her like that." Atsaka ko siya binitawan.

"What?! Wait... Sino ka ba? Bakit ka nangingialam dito?! Wala ka namang alam sa nangyari!"

"Kasasabi mo lang kanina. Do I have to repeat it for you?" I gave her a cold reply.

"HA! Girlfriend mo ba 'yan kaya mo ipinagtatanggol? Oh well, for your information, papunta na rito ang boyfriend ko!"

"I don't care about your boyfriend." I maintained my monotone voice. "And no, she's not—"

"Yes! He's my boyfriend." Caidence abruptly cut me off. She even intertwined our hands, causing me to stand like a rock. "And what? Milyones ang halaga niyang pipitsugin mong sasakyan? Pwes, para malaman mo, kaya kitang bilhan kahit sampung piraso pa niyan." Matunog siyang ngumisi atsaka naglakad palapit doon sa babae. "I apologized before, but you didn't accept it. I offered you money, but you declined. Tss, don't tell me you really want me to buy you a new car. Gasgas lang 'yan, mas gasgas pa nga 'yang ugali mo, e." She hissed before letting go of my hand.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now