37: SAVE THEM

134 11 0
                                    

Caidence's POV

"Kingina, saan ba ang daan papuntang Norte?!" Siam was frustrated since we had been running down the hallway as if it were infinite. How long is this passageway? Wait—this does not feel like a hallway. It looks like we are in an underground tunnel!

"Syempre pa-north." Sagot sa kaniya ni Chiro na agad niya namang binatukan.

"Mukha bang hindi ko naisip 'yan?!"

Napailing na lang ako. Ganito na nga ang sitwasyon namin, hindi pa rin nila mapigilang maging aso't pusa.

Bigla ko tuloy naalala ang senaryo sa Sentro. Bakit—

"Bakit may ilaw sa Sentro? Akala ko ba ay napatay na ang electricity sa control room?" Naunahan na akong magtanong ni Royalty.

"Dalawa ang control room dito. May sariling control area ang Sentro." Sagot sa kaniya ni Asher.

"Hindi ko pa rin ma-gets kung bakit gustong ipapatay ni Heather ang kuryente." Ani Avia na sinang-ayunan naman ng unggoy kong pinsan.

"It was for Allerio." Seryosong sambit ni Ishmael.

"Ha? Nandito ang baliw na 'yon?!" Siam exclaimed.

"Paano mo nalaman?" I asked.

Lumingon siya sa akin saglit pero agad ring tumingin sa dinadaanan namin.

"I saw her eyes. Pinapatay niya kay Asher ang kuryente dahil alam niyang mahina ang mga mata ni Allerio sa dilim. Ikinulong niya sa East ang kapatid niya para hindi ka niya masugod at para hindi masira ang plano namin."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa nalaman ko. Nang dahil doon ay napatunayan kong mapagkakatiwalaan talaga siya.

Gusto kong mag-sorry dahil pinag-isipan ko siya nang masama last night. Nakakakonsensiya tuloy.

But now that I think of it, hindi lang mga tao sa organization ang kalaban namin ngayon kundi pati si Allerio. Ang hindi lang malinaw sa akin ay kung bakit nag-focus na lang siya sa akin. I know it has something to do with Mom... but I suddenly realized na mas mabuti na rin 'to, at least hindi niya pupuntiryahin ang iba kong mga kasama. He wants me dead, however, the organization wants all of us for the transplant. They don't have the same goal, but in my case, both situations put my life in danger.

Nabunggo ako sa likuran ni Asher nang bigla itong tumigil. Siya, si Chiro at si Siam ang nasa frontline. Sa pinakalikod naman sina Eagan, Royalty at Haines.

"Oh! Buti gising ka na." Ani Siam kaya napatingin na rin ako sa harapan.

It was Francis with Enrico and a guy who looks exactly like Ishmael.

"Ikaw rin, buti nagising ka pa." Ngumisi si Francis kaya agad akong napangiwi.

Hindi niya ba alam na ang manyak niya tignan? Wait—hindi ko sinasabing manyak tignan si Asher kapag ngumingisi, ah. When Asher smirks, he looks cool and hot, but not in Francis' case.

Bumitaw ako kay Ishmael at hinanda ang pana at mga palaso ko.

"Oo nga, e. Kumusta na pala braso mo?" Kaswal na tanong ni Siam.

"Mabuti na, hindi ka naman marunong bumaril, e. Ni hindi man lang ako nag-agawbuhay."

"Hindi lang talaga kita tinuluyan, hindi kasi bagay sa impyerno ang beauty ko." Walang halo niyang pagmamayabang dahil totoo naman, na hindi siya mayabang.

"Cut the nonsense." Biglang sabat ng kamukha ni Ishmael.

"Inip na inip, Aiko?" Natatawang tanong ni Enrico.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now