33: LET'S SURVIVE

111 10 0
                                    

Caidence's POV

"PLEASE! CHECK HIM UP! HE'S IN BAD SHAPE!" Nagmamakaawa kong pakiusap kina Enrico at Stella.

"Tara na kasi, Stell. Baka naalog na utak nito sa lakas manapak ni Leon." Pangungumbinsi ni Enrico sa katabi.

"Tss, I already talked to Leon. Hindi naman daw malakas ang pagkakasapak niya—"

"And you believed him? Pitik lang sa kaniya ang suntok, you know that."

"E, kung ipasapak na lang kaya kita sa kaniya? Kapag nagkabrain damage ka, saka na natin isugod sa hospital ang lalaking 'to." Turo niya kay Chiro na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

"What?! No way! Diyan ka na nga!" Padabog na nag-walk out si Enrico kaya mas lalo akong nawalan ng pag-asa.

"The maid will be here later. Eat up and stop whining. Hindi ka ba napapagod? Magdamag ka nang ngumangawa riyan, tss." At tuluyan na siyang naglakad paalis.

Ilang minuto akong natulala sa kawalan hanggang sa unti-unti kong na-realize ang sinabi niya.

Bumagsak ang balikat ko sa sobrang pagod. Tama siya, buong araw na akong umiiyak. For sure, magang maga na ang mga mata ko.

Walang mangyayari kung iiyak lang ako pero wala rin namang magbabago kung hindi ako iiyak. Hindi ko na alam. Pagod na ako sa lahat.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang parehong kasambahay na nagpakain sa akin noong nakaraan.

Hinayaan ko siyang subuan ako dahil mas okay nang malakas ang pangangatawan ko kaysa hindi. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

Saktong muling bumukas ang pinto at niluwa niyon si Stella. May dala siyang susi pagkatapos ay dumiretso siya sa pintong nasa gilid.

"Use this."

Gusto ko siyang pasalamatan pero mas pinili kong 'wag na lang. After all, she doesn't deserve my thank you.

"Can I use it now?" I asked nonchalantly.

"Yeah, hindi ka rin naman makakatakas dito kahit anong gawin mo."

Sinimulan niya na akong kalagan.

"Try to put some act and you're dead." Ikinasa niya ang baril niya atsaka ako tinutukan sa ulo.

Tumingin ako saglit kay Chiro.

"Can I touch him?" Wala sa sarili kong tanong.

"No—"

"Go ahead." Biglang pumasok ang isang babaeng kamukhang kamukha ni Royalty.

"What are you doing here, Jade?" Stella raised her brow.

"Visiting our hostages, obviously. Don't be so hard on them, Stell. You're not the boss here." She smirked as she looked at me. "10 seconds will do."

Wala na akong sinayang na oras at agad kong nilapitan si Chiro. Tinapik ko nang marahan ang pisngi niya habang paulit-ulit na binubulong ang kaniyang pangalan.

"Chiro, wake up. Tama na ang tulog, gabi na." I tried to crack a joke but my tears betrayed me.

Hindi siya gumising kaya wala na akong nagawa kundi yakapin siya nang mahigpit.

"Time's up. Proceed to the restroom now." Malamig na sambit ni Stella atsaka ako tinutukan ng baril sa sintido.

Bumuntong hininga na lamang ako atsaka bumulong sa tenga ni Chiro.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now