31: GOT CAUGHT

126 9 0
                                    

Caidence's POV

Paano ko siya haharapin ngayon?! Nakakahiya! Baka pinagtitripan niya lang ako kagabi tapos todo assume naman ako. Pagkatapos niyang magsabi ng 'goodnight' ay namatay na agad ang tawag without even me uttering a proper sentence.

"Caid, Ishmael's already outside. Are you okay?" Dad asked. Naabutan niya kasi akong nakaupo rito sa sofa na parang walang naghihintay sa akin sa labas.

"I'm fine, Dad. Nahilo lang ako bigla kaya naupo ako saglit." I lied.

"Are you sick or what? Um-absent ka kaya muna?" He suggested.

"Great idea, Dad pero may test kami mamaya. Kaya ko naman pong pumasok, don't worry." I assured him.

"Then just call me in case of emergency, okay?"

Inihatid niya na ako sa labas at iyon na naman ang pakiramdam na gusto kong magtago sa kwarto.

"Mag-iingat kayo." Bilin ni Dad kay Ishmael.

"Yes po, Tito."

Tumaas nang bahagya ang kilay ko nang hindi niya tawaging Mr. Fox si Dad.

Seriously, what's wrong with this guy?!

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya nahihiya akong pumasok sa loob. Kinawayan ko na lamang si Dad bilang paalam bago siya mawala sa paningin ko.

"So you still have feelings to me all this time, huh?" Panimula niya kaya halos mabulunan ako ng sarili kong laway.

"Mukha bang wala na?" Sinakyan ko na lang ang pagiging direct to the point niya dahil wala na akong takas ngayon.

"I thought you already like someone else."

"Someone else?"

"Asher."

"What?"

"What?" He mocked. "At least now, I know you're still into me." He smirked.

"Yumayabang ka, ah."

"Tss, that's the truth."

Binalot kami ng katahimikan hanggang sa bumalik sa isip ko ang mga alaala naming magkasama dati.

"So why did you break up with me?" I tried not to stutter.

Siya naman ang hindi agad nakasagot.

"Because I thought, I had to."

"What do you mean?"

Huminto ang sasakyan at hindi ko inakalang makakarating agad kami sa parking lot ng university.

"I'm sorry, Caidence." He sincerely apologized. "I thought I could save you from that incident if we broke up. I thought I could save you all but it didn't change anything. The future was already written and I couldn't do a thing to change that."

"You mean... three years ago?"

"That was the biggest mistake I'm talking about." He smiled bitterly.

Hindi ko na napigilang maluha nang marinig iyon mula sa kaniya. That's it. The answers I want to hear from him.

"Ilang taon kong hinintay ang sagot na 'yan. Nang dahil sa sagot na 'yan, natalo ako ng insecurities ko. Akala ko, ako ang may mali... akala ko, may nagawa akong hindi mo nagustuhan. I blamed myself for a long time just because of your damn mistake."

"I'm sorry."

"You should've told me, maiintindihan ko naman... maiintindihan namin."

"I also blamed myself for what happened to all of you. That's why I started to hate this sixth sense—my own self."

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Onde histórias criam vida. Descubra agora