17: TENTH MEMBER

121 9 0
                                    

Caidence's POV

From: Alera Siamer Flood

Sabay-sabay raw tayo ni Royalty papuntang cafeteria. Daanan kita sa room mo.

-----

Itinago ko na ang phone ko at nag-ayos ng gamit. Ilang sandali pa ay nakita ko na si Siam sa labas ng room. 

"Umiyak ka?" Takha niyang tanong. 

"Nagkwento 'yong prof namin kanina, naiyak lang ako." I lied. 

"Hindi mo dapat inii-stress ang sarili mo sa mga ganiyang bagay, Caid. Paano mo mao-overcome ang trauma mo kung lagi kang malungkot, ha?"

Tumango na lamang ako bago siya hinila pababa. Saktong naabutan namin doon si Royalty na busy sa pagtitipa sa phone niya.

"Sinong ka-text mo?" Tanong sa kaniya ni Siam.

"Chiro added Heather on our group chat." She hissed. "Feeling leader." She murmured.

"Pabibo talaga 'yon." Asik ni Siam. "Babawi lang tayo kay Heather ngayon pero hindi ibig sabihin ay tropa na rin siya."

"Why not, guys? She's one of us. Don't you like her?" I asked.

"Hindi naman, Ate Caid. It was just... kapatid niya pa rin ang killer. I can't fully trust her." Pagtatapat ni Royalty.

Nilapitan ko siya atsaka inakbayan.

"Iniisip mo bang psychopath din siya?"

"We're not sure..." Mahina niyang sagot. "I'm sorry, I just can't accept her for now. Kahit pa anong sabihin niya, she's still a Pyronel. You are all aware of what they have done to our parents and to us. I can't forgive her and her family, even though she was also a victim."

"Don't worry, she's innocent. Sinigurado ko na 'yon kagabi." I reassured her.

Ginamit ko ang sixth sense ko para marinig ang inner voice ni Heather last night, gusto ko kasing malaman kung nagsisinungaling ba siya o hindi. Good thing, totoo lahat ng sinabi niya. Hindi siya kasabwat ng psychopath niyang kapatid at totoong lumayas siya sa kanila. Mapagkakatiwalaan siya, sigurado ako roon.

"Oo nga pala! Anong nangyari sa inyo ni Ishmael kagabi? Comeback na ba?" Mapanuyang tanong ni Siam sabay taas-baba ng kilay kaya napangiwi na lamang ako.

"Speaking of your ex..." Royalty smirked while looking at the end of the hallway.

Sinundan namin ni Siam kung saan siya nakatingin at halos sumabog ang dibdib ko nang makitang naglalakad palapit sa amin si Ishmael.

"Sinasabi ko na nga ba! Umamin nga kayong dalawa, kayo na ulit, 'no?!" Pumitik pa sa hangin si Siam bago kami binigyan ng mapang-asar na tingin.

"Hindi nga—"

"Shut it, Alera Siamer." Ishmael cut me off. Tumingin siya sa akin suot ang dead face niya. Lagi namang walang ekspresiyon ang mukha niya kaya sanay na ako—super sanay na kami. "You're not answering your phone, tss."

Kumunot ang noo ko atsaka dali-daling chineck ang phone ko mula sa bag.

"Oh, sorry. Naka-silent." Napapahiya kong sagot.

Luminga-linga muna siya sa paligid bago ako hinawakan sa braso.

"Let's go." Hinatak niya na ako paalis. Sumunod naman sa amin sina Royalty at Siam habang tinatapunan pa rin ako ng mapang-asar na tingin..

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now