26: LET ME

115 10 0
                                    

Caidence's POV

"Okay, good! 10 minutes break time and then last count. Breath everyone, I'll be back."

Napaupo ako sa wooden stage nang makaramdam ako ng pagod. Nilapitan agad ako ni Asher at inabutan ng tubig.

"Kaya mo pa ba?" He worriedly asked.

"Oo naman." Pilit ang ngiti kong sagot sabay lagok ng tubig.

"Omg! Boyfriend mo, Caid?" Biglang puna sa amin ni Fey. Isa sa mga kasamahan ko.

"Gwapo ba?" Natatawa kong sabi sabay sulyap kay Asher.

"Sobra, girl! Sana all talaga!"

"Tss, kaibigan ko lang 'yan." I hissed while chuckling.

"Legit?! Hindi kinakaibigan ang mga ganiyan kagwapong nilalang!"

"Edi jowain mo."

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat, mukhang hindi niya inaasahan ang biglaan kong pagrereto.

"Tss." Dinig kong singhal ni Asher dahilan para matawa ako nang tuluyan.

"Mukhang masungit, turn off." Fey whispered and so I laughed even harder. "Sige na, girl! Doon na muna ako." Paalam niya bago tumakbo palayo.

"I knew it, tatanda kang binata dahil diyan sa ugali mo." Mapanuya kong wika.

"Shut up." Irap niya sa akin.

Napailing na lang ako atsaka itinaas ang aking kamay para magpatulong sa pagtayo.

"Pretty please?" Nag-puppy eyes pa ako para magpaawa.

I heard him sigh before helping me. Mukhang napilitan pa kaya hindi ko napigilang mapangiti. Hindi ko naman kasi inakalang matitiis niya ang ganitong ugali ko. Knowing the old Asher, magkasing level sila ni Ishmael ng coldness.

I wonder what made him change.

"I'm not your ex." Inirapan niya ulit ako nang magkulay dilaw ang mga mata niya.

Kabado akong lumingon sa paligid dahil baka may nakakita sa pagbabago ng mga 'yon.

"Don't read my mind, tss." Singhal ko saka siya hinampas sa braso.

"Then stop comparing me to Ishmael. We're completely different."

"Okay fine. I'm sorry."

"Let's have lunch outside after the rehearsal."

Bigla tuloy akong natakam nang sabihin niya ang salitang 'lunch'. Ala-una na kasi pero hindi pa kami nakakakain dahil busy kami sa preparations.

"Okay, my treat. Accept it as my thank you."

Nang makabalik na si Sir Jerome ay ipinagpatuloy na namin ang dry-run. Isang oras ang itinagal niyon kaya ganon na lang ang gutom ko nang makarating kami sa pinakamalapit na fast food resto.

"Take it slow." Saway niya sa akin.

"I'm hungry, okay? Sir Jerome is a practice freak." Aniko habang hindi siya tinatapunan ng tingin.

Hindi na siya nakapagsalita pagkatapos niyon.

Alas-tres na nang makabalik kami sa studio. Sinamahan niya ako sa backstage para mag-ayos. Nang matapos na akong lagyan ng kolorete at ipitan ng tali sa buhok ay nag-stretching ako sa hallway.

"Masakit pa?" Asher asked while watching me splitting.

"Not that much."

Inalalayan niya ulit akong tumayo nang maayos.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now