30: MISS YOU

132 11 0
                                    

Caidence's POV

"How's your brother?" I asked Heather out of nowhere. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at nanatili lamang akong focus sa pagkain.

"I don't know. I just hope he's fine." She answered coldly.

"I'm sorry, Ashanti." Sa wakas ay nasabi ko na rin.

Lahat sila napatingin sa akin. Hindi siguro nila inaasahang makikipagbati ako kay Heather.

"I know he's your brother and I can't change that fact. I have no intention to put all the blame on you so sorry for what I have said yesterday. I'm a bit harsh, I guess. I let my emotions to cover me up. I'm really sorry." I sincerely apologized.

"I understand, I'm sorry din. Hindi ko inisip ang sitwasyon at nararamdaman mo kahapon. I know you're tired of being his favorite victim. He's just... not aware of what he's doing. I guess, my Dad really brainwashed him."

"So bati na agad kayo?" Chiro asked.

"What do you expect us to do? Throw a catfight?" Sarkastikong asik ko.

Nagtawanan naman sila.

"Grabe ka naman kasi kahapon, sis! Sobrang cold mo. Parang anytime, magyeyelo kaming lahat." Ani Avia na sinang-ayunan naman ng unggoy kong pinsan.

"Nakakatakot ka kahapon, pramis." Siam even raised her open palm.

"You look so mataray and intimidating yesterday, Ate Caid. Ang innocent pa naman ng face mo kaya nakakapanibago talaga." Royalty commented.

I heaved a deep sigh as I plastered an apologetic smile.

"I'm really sorry, guys. I didn't mean to scare you." Aniko.

***

Nang mag-uwian ay tinext ko agad si Asher na mag-uusap kami ni Ishmael kaya hindi ako makakasabay sa kaniya. Ang loko, thumbs up lang ang isinagot. Ni-likezone lang ako, letse.

Nakarating kami ni Ishmael sa student cafè nang hindi nag-uusap. Nakaka-suffocate pala talaga ang dead air na hinaluan ng awkward silence.

Pwedeng ikamatay kung tatagal nang isang linggo.

"What do you want?" I asked uneasily as we occupied the vacant table near the glass window.

"My favorite." He answered.

Ilang segundo akong natigilan atsaka ilang na naglakad patungong counter.

"Cinnamon dolce and French vanilla please." I smiled at the cashier.

Marami pa siyang tinanong na wala sa sarili ko namang sinagot. Saka ko lang naalala na dalawa ang paboritong flavored coffee ni Ishmael.

"Can I also have Pumpkin spice? Same details."

Tumango naman ang cashier. Imbes na bumalik sa mesa namin ay pinagtiyagaan kong maghintay sa gilid.

Baka tuluyan na akong hindi makahinga kapag naghintay ako sa harapan niya.

After 10 minutes ay naibigay na sa akin ang tray. Maingat akong naglakad pabalik sa mesa namin bago umupo.

"Thanks." Kinuha niya iyong French vanilla ko.

I was dumbfounded. Really.

Magrereklamo na sana ako nang maisip kong baka nagbago na ang paborito niyang kape. Kinuha ko na lang iyong Cinnamon since ayoko ng Pumpkin spice, hindi ko trip ang lasa non.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now