21: WORRIED

110 11 0
                                    


Siam's POV

WEDNESDAY. 12:56 pm.

Nang tuluyan nang makaalis si Chiro ay saka namang pagsugod sa akin ng konsensiya ko. Nakalmot ko kasi ang braso niya dahil sa sobrang inis. Ayaw niya kasing umalis, pinipilit pa akong sumama sa kaniya kaya ayon.

I hurt him... yet he still managed to smile before leaving.

Ang sama ko na ba? Gusto ko lang naman mapag-isa. Mali bang piliin ang sarili ko kahit ngayon lang?

Nagpalipas ako ng limang minuto bago tumayo. I'm gonna ditch my class since wala rin namang pumapasok sa isip ko ngayon kundi iyong usapan namin ni Haines kagabi.

Bwisit. Bakit ba kasi nagustuhan ko 'yon?

Naglakad ako sa hallway pababa ng ground floor. Nang makumpirmang wala na sila roon ay tumungo na ako sa south gate.

Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng presensiya sa likuran ko, parang kanina pa sumusunod. Kahit maraming estudyante sa paligid, alam ko kung may sumusunod sa akin o wala. Hindi ako nag-aral ng self defense para lang maging careless sa paglalakad.

For now, I'm sure it's the killer.

Nilabas ko ang pocket knife ko mula sa bag atsaka naglakad papuntang law department. Nang maramdaman kong nakasunod pa rin siya ay umikot ako sa medicine department pagkatapos ay sa faculty building. Muli akong umikot papunta sa garden kung saan wala talagang kahit isang estudyante. Tirik ang araw kaya walang tangang tatambay rito.

Isinara ko ang gate pagkapasok ko. Nang marinig ko ang pagbukas niyon, pinalipad ko agad ang hawak kong pocket knife sa direksyon ng pumasok. Nakita ko kung paano niya iyon hulihin gamit ang isang kamay lang.

"You really love that black hoodie, huh?" I smirked when I noticed his outfit.

"Do you know what I love the most?" His deep voice filled the entire garden and seems to be echoing inside my head.

The pressure he exerts is not a play on words. We should never have thought of belittling him.

"I'm not interested." I shrugged. Ignoring the pressure he's trying to give me.

Naglakad ako palapit sa isang pala na nakatusok sa lupa. Binuhat ko iyon kahit pa medyo mabigat.

"I love blood." He smirked.

"Wala nga sabi akong pake." Balewala kong tugon atsaka siya hinarap. "Sakto broken ako ngayon, sa 'yo ko na lang ilalabas lahat ng sama ng loob ko tutal malaki ang atraso mo sa amin, ayos lang ba 'yon?" Maangas kong tanong.

"Fearless, I like it." He snickered.

"Ano pa bang kaya mong gawin maliban sa kumilos nang mabilis at gumawa ng ciphers?" Tanong ko habang pinag-aaralan ang bawat galaw niya.

Sa isang iglap ay nakarating na siya sa harapan ko. Hinampas ko siya ng pala gamit ang buong lakas ko pero ang hayop, nakarating agad sa kabilang dulo. Naibagsak ko tuloy ang pala dahil masyado iyong mabigat para sa akin.

"You can avoid my attacks? Ano pa?" I smiled in an annoyed way.

In just a second, hawak niya na ang leeg ko. Itinaas niya ako sa ere habang may ngisi sa mga labi.

"I can kill you right now." He answered.

"Do it if you really can." I managed to utter.

Mabilis kong ibinaba ang sleeve ng hoodie niya. Hinawakan ko nang mahigpit ang palapulsuhan niya dahilan para maibaba niya ako sa lupa. Ramdam ko na rin ang pagbabago ng mga mata ko. From normal black to intense red. I'm using my full sixth sense right now.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now