36: LET'S FIGHT

128 11 0
                                    

Caidence's POV

Nanlaki ang mga mata ko nang makalabas kami ng kwarto. Paano ba naman, nagyeyelo ang buong paligid! Mula sahig hanggang kisame!

Just what the hell happened here?!

"Tito Aiden was really mad when they arrived." Seryosong boses ni Ishmael ang narinig ko.

"Let's move. May naririnig akong paparating." Ani Royalty at patakbong naglakad papunta sa right side.

Hinawakan ni Ishmael ang kamay ko at isinabay ako sa pagtakbo. Hindi ko naman napigilang mapangiti.

I haven't felt his hand on mine in a long time. This feels so nostalgic.

"Wait, ang sakit pa ng paa ko." Rinig kong reklamo ni Chiro.

"Sa susunod kasi kapag binugbog ka, unahan mo agad! Mukha ka tuloy pilay na aso ngayon! Tara na nga!" Singhal ni Siam bago niya ito alalayan.

Nagulat na lang ako nang biglang sumigaw si Avia. Pati ako ay napasigaw nang muntik na siyang tamaan ng bolang apoy.

"It might be Tito Flame. The war is starting." Ishmael uttered.

"War?" Bigla akong kinilabutan.

Ano 'to? Bakit may giyera? Nag-declare na ba ng World War III? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari!

"Let's go to the control area. Asher needs us." Hinila niya na ulit ako para tumakbo nang mas mabilis.

"Mga tanga!"

Napatigil kami nang may sumigaw. Sabay-sabay kaming napalingon at nakita ko si Eagan—impostor na Eagan.

"Hindi ko pinsan 'yan." I informed them. "Mas mukhang unggoy 'yon kaysa rito." Baka kasi ay may mauto sa kanila.

"Ako na ngayon ang pinsan mo dahil pina—" Bigla na lang siyang napaubo. May lumabas na dugo sa bibig niya kaya napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Ishmael.

The sight of blood creeps me out.

Bumagsak siya sa sahig dahilan para makita namin kung sino ang nasa likod niya.

"EAGAN!" Sigaw ni Avia at tumakbo na payakap sa unggoy kong pinsan na may dalang dalawang crossbow at quiver.

"BABE! BUHAY KA!"

Napailing na lang kami. Kahit hindi niya intensiyong mag-overreact, parang ganun pa rin namin siya nakikita.

Nilapitan ako ni Eagan at ibinigay sa akin ang isang crossbow at quiver na may lamang arrows.

"Teka... sa akin 'to, ah." Aniko nang mapamilyaran ang dalawang 'yon.

"Bakit? Inangkin ko ba?" Sarkastiko niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang! Miss na miss na kaya kita! Pa-hug nga—"

"Let's go." Hinatak na ulit ako ni Ishmael paalis.

"Anak ng! Kayo na ulit?! Agad?!" Natatawang tanong niya, tila hindi pa makapaniwala.

"Shut up, Forest."

Napailing na lang ulit ako atsaka isinuot ang quiver. Mayroon lang iyong lamang sampung palaso, kailangan kong gamitin nang tama ang bawat isa para hindi masayang.

Nakarating na kami sa tapat ng control area. Pagbukas ni Ishmael ng pinto ay bumungad sa amin sina Heather at Asher na nagsasagutan.

"Just do it!"

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now