20: THE LADIES

120 8 0
                                    

Siam's POV

I'm Alera Siamer Flood. Pretty, smart, lofty, petite, and most of all, I have this intense touch as my sixth sense that made me more amazing and stunning.

Pero walang wala 'yan sa pagtingin ni Haines sa akin. Kahit ako pa siguro ang pinakamatingkad na bituin sa kalawakan, isa lang ako sa mga babaeng kaibigan niya.

Ang sabi sa akin ni Avia, hindi lang si Haines ang lalaki sa mundo kaya hindi ko kailangang umiyak ng ilang galon. Maraming nagkakagusto sa akin kaya 'wag daw akong marupok tulad ni Mommy. Palibhasa ay alam niya ang kwento ng mga magulang ko.

"Alera, ayos ka lang?" Tanong sa akin ng isa kong blockmate.

Napansin niya sigurong kanina pa ako frustrated rito.

"Don't talk to me if you want to live long. I'm fine, don't worry." I answered seriously.

Napaatras tuloy siya nang bahagya palayo sa akin. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lang siyang mag-react ng ganon. Kaysa naman mamatay siya dahil sa akin.

After what happened to Jessica, mas maingat na ako sa pakikipag-socialize. Mabuti nang ganito. If something happened to her and it was also because of me, baka hindi ko na talaga kayanin. Baka tuluyan na akong lamunin ng konsensiya.

Nang mag-bell ay hindi ako lumabas ng room. Tinext ko si Caidence na busy ako at hindi muna ako sasabay sa kanila. Pagkatapos ay in-off ko na ang phone ko para hindi nila ako matawagan.

Gustuhin ko man silang makasama, ayoko pa rin dahil nandoon sina Haines at Royalty. Madadagdagan lang ang pagiging bitter ko kaya magpapalipas na muna ako ng oras kasama ang sarili ko.

I need space. Nakakapagod ring umasa sa wala. Iyong tipong akala mo meron na pero pa-motibo lang pala.

I'm just sick of everything right now.

***

Royalty's POV

Aakyat na sana ako para daanan sina Ate Caid at Ate Siam sa room nila nang may tumawag sa akin—si Gurang lang pala.

"What the hell are you doing here?" Mataray kong tanong.

"Sinusundo ka?" Patanong niya namang sagot.

"Tss, I'm waiting for Ate Caid and Ate Siam."

"Pati si Siam, hinihintay mo?"

"Of course, aakyatin ko na nga sana sila kaso umepal ka bigla."

"MGA KAMAHALAN!!!"

Sabay kaming napalingon sa sumigaw. Si Kuya Gunner kasama sina Ate Avia, Chiro at Kuya Ishmael. Nakakapanibago pa rin dahil madalas ko nang makita si Kuya Ishmael. Dati kasi ay lagi siyang busy sa acads kaya hindi na kami masyadong nabubuo.

"Where's Kuya Asher?" I asked. Napansin ko kasing sila lang ng Heather na 'yon ang wala.

"Nasa cafeteria na." Sagot ni Ate Avia bago sumulyap kay Gurang na agad namang nag-iwas ng tingin.

"Akyatin niyo na 'yong dalawa, hintay na lang kami rito." Utos ni Kuya Gunner kina Chiro at Kuya Ishmael.

Pansin ko ang low energy na dumadaloy sa sistema ni Chiro. I don't know what happened pero sigurado akong malungkot siya. Si Kuya Ishmael naman ay mukhang malalim na naman ang iniisip. Parang kahit anong oras ay nag-iisip siya. Hindi ba napapagod ang utak niya?

"Talk to her in person, Haines." Ate Avia kept a resolutely inexpressive face.

"I will. I'm just... waiting for the right timing." Humina nang humina ang boses ni Gurang.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now