04: FIRST WORD

209 11 0
                                    

Caidence's POV

THURSDAY. It was raining and all of our profs attended an urgent meeting. The Dean told us to go home so I did. I have no plans on staying inside our room where my blockmates are all made up of plastics. It's pretty suffocating, you know.

Kahit hindi naman nila sabihin, I know they don't like me.

I decided na hindi dumiretso sa bahay, I went to the nearest student cafè para magpalipas ng oras at mag-isip. I ordered Caramel Macchiato since I always love steamed milk. Everyone knows that, even Ishmael.

I chose the table near the glass window for more relaxing view. Makikita ko kasi sa labas ang pagbuhos ng malakas na ulan and I'm a fan of rain. Especially Tito Rain and Tito Kingsley because their elemental ability is no joke.

Hinalukay ko ang bag ko atsaka inilabas ang tatlong maliliit na black box. I was about to close it when my g-tech fell. I almost screamed dahil mahal 'yon at mabilis mawalan ng tinta kapag nalalaglag.

I bend lightly to pick it up when I saw a familiar box under my chair. My brows furrowed. Hindi ito kulay itim kundi kulay pula. How...

Imbes na magtanong pa nang marami ay pinulot ko na agad 'yon. Pinigilan ko ang panginginig ng kamay ko para mabasa iyon nang maayos.

'.°°.°'

It's 'U'. I'm sure of it.

Kinuha ko ang tatlong itim na kahon atsaka iyon inihilera sa mesa kasama ang kulay pula. I have four boxes now... pero bakit isa lang ang kulay pula? What's meaning behind this?

I have O, R, Y, and U.

"ORYU?" I stupidly asked myself.

Hindi kaya... jumbled and letters?

Naglabas ako ng notebook atsaka nag-trial and error.

RYUO

ROYU

YROU

YOUR

It's 'YOUR'. I'm hundred percent sure... pero anong meron sa 'your'? Ibig sabihin ba nito... may karugtong pa?

I stopped thinking when my phone suddenly rang. I answered it right away when I saw Avia's name on the screen.

"Oh, bakit?" Barumbado kong bungad.

Kapag kami talaga ang magkausap, lagi kaming ganito magbatian. Ewan, nakasanayan na namin.

"Nasaan ka?" Maangas niya ring tanong.

"Sa lugar kung saan walang Avianna Villafranca."

"Ang boring pala riyan kung ganon." Asik niya dahilan para sabay kaming matawa.

"I'm here at the famous student cafè. Why? Wala kayong bebe time ng siraulo kong pinsan?" I smirked.

"Busy siya. You know, nag-aaral nang mabuti para sa future namin." She chuckled.

"Ew." Ngiwi ko.

"Grabe ka naman! Pupuntahan kita riyan, usap kayo."

Tumaas ang isa kong kilay.

"Huh?"

"I mean, usap TAYO." Then she laughed maniacally once again.

"Tss, fine. I'll wait here."

"Okay! Byeee!"

Itinago ko na ang apat na ring-sized boxes na nakahilera sa mesa. Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung sinong nagpapadala sa akin nito, kung anong gusto niyang iparating at kung bakit isa lang ang kulay pulang kahon.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now