38: LONG TIME NO SEE

134 12 0
                                    

Caidence's POV

Nang makaalis na sina Avia, Royalty, Chiro at Heather ay tumakbo na agad kami pabalik sa Sentro. Wala na kaming oras na sinayang pa. Ang mahalaga ngayon ay matapos ang araw na 'to at makalabas kaming lahat nang buhay. Bigla kong naalala ang mga palaso ko at napabuntong hininga nang mapansing tatlo na lamang ang mga iyon. Napatingin naman ako kay Eagan, may lima pa siya. Sana ay hindi kami kulangin mamaya.

Muntik na akong madulas dahil sa tubig na naapakan ko. Mabuti at nahuli agad ni Ishmael ang braso ko kaya hindi ako natuluyan.

"Careful." He hissed.

See? Back to normal na ulit siya.

Pumasok muli kami sa Sentro at naabutan namin sila Dad na halatang pagod na pagod na. Nagkalat din ang mga nagyelong tao sa paligid at mga walang malay na nakahiga sa sahig.

"Uulitin ko, Andrews!" Narinig kong sigaw ni Dad. Katabi niya sina Tito Kingsley at Tito Cassius na mukhang pinapakalma siya.

Napalingon sa amin si Tita Ice. Sinenyasan niya kaming 'wag munang makisali.

"Where is my wife?!"

Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ko nang marinig iyon mula kay Dad.

Alam niya... alam niyang buhay si Mom.

"Answer me!!!"

"He's not your wife anymore, Aiden. Dianna is my wife!" Sagot ng isang boses mula sa mga speaker na nakakabit sa bawat sulok ng kisame.

Speaker... kung nagsasalita lang siya gamit ang speaker, malinaw na nasa control room siya nitong Sentro.

Agad akong napatingin kay Asher.

"Where's the control area?"

Mukhang nabasa niya naman ang iniisip kong gawin dahil saglit na nagbago ang kulay ng mga mata niya.

"No, Caidence. You're not going there—"

"I will! Now, tell me. Where in hell is it?" Seryoso kong ulit.

"Caidence, delikado. Hindi natin alam ang kaya niyang gawin—"

"I don't care! I'm going to kill him for all the things he did to us—to my family!"

"Okay, fine pero sasama kami."

"Sabihin mo na!"

"Sa South, hindi pa ako nakakapasok doon dahil maraming bantay."

"Ngayon, papasok tayo." Pinatunog ko nang dalawang beses ang leeg ko atsaka tumakbo palabas.

Nagsipagsunuran naman silang lahat sa akin.

"Caidence, we must not act out of—"

"I'm acting like what a daughter should do." I cut Ishmael off. "I'm not scared. I know what I'm doing."

Pumulot ako ng dalawang baril sa nakita kong mga lalaki na walang malay sa sahig. Napahinto ako saglit nang makitang may nags-spark sa noo niya.

And then I realized something. Napangisi ako bago nagpatuloy sa pagtakbo.

Sisiguraduhin kong pagsisisihan ng Andrews Pyronel na 'yon kung bakit siya pinanganak sa mundo.

Nang makita ko ang mga bantay na nakatayo sa labas ng control room ay isa-isa ko silang binaril sa ulo.

"Caidence!" Sigaw sa akin ni Siam.

"They're not humans." Seryoso kong sagot.

"What?"

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now