34: ALMOST THERE

119 10 0
                                    

Caidence's POV

"Walang audio recorder dito, CCTV camera lang." Ininguso ko iyong camera na nakakabit sa pader na katapat ko lamang. Hindi naman iyon kataasan at kayang kaya lang abutin. "Kailangan nating patayin 'yan." Seryoso kong dagdag. Hindi ko kasi nagawang lumapit sa camera kahapon at kanina dahil siguradong mapupuntahan agad nila ako.

"Kung nandito lang si Heather, isang tingin niya lang ay sira na 'yan." Nanghihinayang na sambit ni Avia. "She can repel anything she wants now, even without the concept of charges. She had gone through Dr. Valencia's training and had greatly improved in just two days."

"Paano niyo nasisigurong hindi nila kasabwat si Heather?" Nakataas ang kilay kong tanong.

"Kasama namin siya buong magdamag, Ate Caid. Tumulong siyang hanapin ka—"

"Paano kapag inilalayo niya lang pala ang leads niyo?"

"Mapagkakatiwalaan siya." Sabat ni Siam. "Ikaw na ang nagsabi noong nakaraang linggo, 'di ba? Malinis ang intensyon niya at napatunayan niya iyon sa akin. Siguradong nagtutulungan na sila ni Asher ngayon."

"What do you mean?" Naguguluhan kong usal.

"Bago kami makidnap ng mga gunggong na 'yon, nasa basketball court kami kung saan huling nakita si Chiro. Napag-usapan na naming lahat na doon magkita-kita para mag-meeting at kamalas-malasang kaming tatlo ang nauna. Biglang dumating iyong mga siraulong manggagaya, muntik na akong mauto pero nakita ko ang band-aid sa mukha ng impostor na Asher."

Umawang ang bibig ko dahil sa kwento niya. Nakakapanibago kapag ganito magsalita si Siam. Lahat ng sinasabi niya ngayon ay may sense.

"Matagal ko nang kilala si Asher, sa sobrang arte niyon ay ayaw niyang nasusugatan siya. Kaya kahina-hinala talaga ang band-aid na 'yon. And then conclusions came up inside my head. Nagpaalam ako sa kanilang magpapa-load lang sa isang tindahan. Pumayag iyong gagong kamukha ni Haines na gago rin naman." Suminghal pa siya sabay sulyap kay Royalty.

Napayuko si Royalty na parang alam na ang dahilan kung bakit. Napailing na lang ako.

"Nanghiram ako ng ballpen at papel pagkatapos ay isinulat ko ang konklusyong naisip ko, nag-iwan din ako ng clue. Inutusan ko ang tinderang ibigay iyon sa mga dadating na apat na lalaki at isang babae. Ibinigay ko rin ang pangalan ni Ishmael para siguradong mapupunta sa kanila." Pagkatapos niyon ay ngumiti siya na tila proud na proud sa sarili.

"Ano bang konklusyon ang isinulat mo? Makakatulong ba 'yon para mahanap tayo nila Ishmael?" Tanong ni Avia.

"PRN 6660. BLACK VAN. Our time is yet to stop. The Pyronels are moving. They have the three of us and might also have Caidence and Chiro."

"Thank you, Siam. Ang galing mo." I smiled at her.

"I know right—"

"Tanga nga lang sa pag-ibig." Putol sa kaniya ni Avia dahilan para magtawanan kami.

"Excuse me? Palibhasa ay may jowa ka. Hindi mo alam ang feeling ng mareject."

"Mm, kay Chiro ka na lang kasi."

Hindi nakasagot si Siam at napatitig na lang din sa tulog kong katabi.

"Mapapatay ko talaga ang mga gagong 'yon." Gigil niyang bulong.

Muli akong napangiti. Kahit pa hindi magkaparehas ang tingin nila sa isa't isa, alam ko namang nag-aalala si Siam para kay Chiro. Mahalaga si Chiro sa kaniya, hindi niya lang madalas ipakita.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now