16: HE CARES

125 10 0
                                    

Caidence's POV

"We're here." Sa loob ng halos sampung minutong biyahe pauwi, ngayon lang siya nagsalita para kausapin ako.

Sa loob din ng sampung minutong 'yon, muntik na akong mamatay dahil sa suffocation. Kahit pa pakiramdam ko ay hangin lang ako kanina sa tabi niya, hindi ko mapigilang ma-out of place. Para bang maling desisyon ang pagiging magka-pair namin. Parang isang napakalaking kasalanan.

"Do you want me to open the door for you?" He suddenly asked.

Hindi ko namalayang napatulala pala ako sa kawalan nang basagin niya ang katahimikan. Ilang akong lumingon sa kaniya atsaka napapahiyang umiling.

"N-No, thanks... bababa na 'ko." Nauutal kong sagot atsaka kusang lumabas ng kotse. "Thanks for the ride. Goodnight." I plastered a fake smile before closing the door.

Naglakad na agad ako papasok ng bahay at hindi na siya hinintay pang makaalis. I bit my lower lip and sighed as I closed the gate.

Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi pa rin ako nakaka-move on while siya, parang wala na lang ako sa kaniya. Three years na... I have to let go, halata namang hindi niya na ako mahal tulad ng dati. Mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko.

Nang makaakyat sa second floor ay naabutan ko si Dad sa loob ng office niya. Hindi ko na siya inabala pa at dumiretso na lang ako sa kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama nang biglang tumunog ang phone ko.

Sunod-sunod na message galing sa groupchat ang natanggap ko pero iyong notification from instagram ang binuksan ko.

"Oh my ghad!" I gasped when I saw Ishmael's username on the message section.

-----

IshFier85: I'll pick you up tom.

-----

Paulit-ulit kong binasa 'yon dahil hindi talaga ako makapaniwala. What the heck!!! He just sent me a message! Direct message pa!

Napaupo ako bigla at nag-isip ng magandang reply.

-----

Itsme_Caid: Ok, see you : )

IshFier85: Goodnight.

-----

Wala sa sarili akong napangiti nang mabasa ang reply niya.

Sorry Mom, you told me not to chase boys but I think Ishmael is an exemption.

***

Maaga akong gumising para maghanda. Alas-kwatro pa lang ay tapos na ako mag-ayos. Since wala na rin naman akong gagawin ay nag-online na lang ako.

Nagbackread ako sa groupchat namin at nakita ko 'yong picture na sinend ni Siam. Maski ako, hindi rin makapaniwala na may-ari ng bar si Heather. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong dalawin ang IG niya.

-----

Ashanti Heather Nightingale

@AHeather_

Model. Future Archi.

32,089 followers. 0 following.

-----

Ang lakas naman talaga maka-celebrity nitong si Heather. Hindi ko in-expect na bigatin pala siya. Iyong pormahan niya kasi kahapon ay simpleng black hoodie at pants lang tapos model pala siya?! Wow. Just wow.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now